Unang Pahina
Napiling artikulo
Ang Palarong Olimpiko 2008 o Palaro ng Ika-XXIX na Olimpiyada (Tsino: 第二十九届夏季奥林匹克运动会; Pinyin: Dì Èrshíjiǔ Jiè Xiàjì Àolínpǐkè Yùndònghuì) sa panahon ng tag-init ay isang pandaigdigang paligsahang palaro na kinabibilangan ng iba't ibang mga laro, na isasagawa sa Beijing, Republikang Bayan ng Tsina mula Agosto 8 hanggang 24, 2008, at sinundan ng Palarong Paralimpiko 2008 (panahon ng tag-init) mula Setyembre 6 hanggang 17, 2008. Nilahukan ito ng 10,942 atleta na magsisipagtunggali sa 302 kaganapan sa 28 palaro, kung saan isang kaganapan ang naidagdag kung ihahambing sa orihinal na pagtatakda noong Palarong Olimpiko 2004 na ginanap sa Atenas, Gresya. Iginawad sa Beijing ang pagganap ng Palarong Olimpiko makaraan ang botohan ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) noong Hulyo 13, 2001. Naglalaman ang opisyal na logo ng mga palaro, na pinamagatang "Sumasayaw na Beijing", ng isang ma-estilong kaligrapikong panitik na jīng (京, nangangahulugang kabisera), bilang pagtukoy sa nagpupunung-abalang lungsod. Ang limang Fuwa ay mga maskot ng Beijing 2008, na kumakatawan ang bawat isa sa isang kulay ng mga Singsing ng Olimpiko at bilang isang sagisag ng kalinangang Tsino. Tinatawag ng sawikaing pang-Olimpiko, ang Isang Daigidig, Isang Pangarap, ang sandaigdigan upang magkaisa sa kaluluwa ng Olimpiko. Maraming ilang Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) ang kinilala rin ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko.
Alam ba ninyo ...
- ... na pinanghihinalaang nagkaroon ng relasyon ang babaeng pintor na si Louise Abbéma at ang aktres na si Sarah Bernhardt?
- ... na ang Esmeraldang Buddha (nakalarawan), ang paladyo ng Taylandiya, ay nagpalipat-lipat ng kinaroroonan gaya ng Wat Chedi Luang sa Chiang Mai at Wat Arun sa Thonburi bago sa kasalukuyang tahanan nito sa Wat Phra Kaew sa loob ng Dakilang Palasyo ng Bangkok?
- ... na ang mga bahay-tindahan sa Barrio Tsino, Singapur ay kakikitaan ng mga haluang arkitekturang Baroko at Victoriana?
- ... na sa magkakasunod na taong 2021 at 2022, ang Pandaigdigang Paliparang Hamad sa Doha, Qatar ay ginawaran bilang pinakamahusay na paliparan sa buong daigdig?
- ... na ang estasyong Amsterdam Centraal (nakalarawan) ng Amsterdam ay ang ikalawang pinakaabalang estasyong daambakal sa buong Olanda matapos ng Utrecht Centraal?
Napiling larawan
Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana
May-akda ng larawan: A.Savin
Sa araw na ito (Pebrero 7)
- 457 — Naging emperador ng Silangang Imperyong Romano si Leo I.
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
43,912 artikulo |
148 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan
- Si Papa emerito Benedicto XVI (nakalarawan), na naglingkod mula 2005 hanggang sa kanyang pagbitiw noong 2013, ay namatay sa gulang na 95; nakatakdang siyang ilibing sa Enero 5.
- Niligtas ng Hukbong-dagat ng Lebanon at ng Mga Nagkakaisang Bansa ang isang tumaob na bapor ng 232 migrante sa Dagat Mediteraneo. Dalawang tao ang nasawi sa magdamag na insidente.
- Pinalitan ng Kroasya ang kanilang pananalapi mula sa kuna tungo sa euro upang maging ika-20 kasapi ng Eurosona, at sumali sa walang pasaporteng sona sa Europa, ang Lugar na Schengen.
- Pinasara ng Pangasiwaan sa Abyasyong Sibil ng Pilipinas ang espasyong panghimpapawid ng bansa sa halos anim na oras dahil sa pagkawala ng kuryente sa sentro nito ng pamamahala ng trapiko ng himpapawid, na nakaapekto sa higit sa 200 lipad pangkomersyo at higit sa 56,000 pasahero.
- Paglalakbay sa panahon ng pandemya ng COVID-19: Pinabatid ng Australya at Canada na kailangang magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 ang mga manlalakbay mula Tsina upang makapasok sa kanilang bansa simula Enero 5.



-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo