Pumunta sa nilalaman

Pangkukulam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Barang)
Pagpapakita ng pangkukulam sa pinta ni John William Waterhouse na The Magic Circle (1886)

Ang pangkukulam o panggagaway ay ang paggamit ng mahika ng isang taong tinatawag na mangkukulam. Ayon sa kaugalian, ang ibig sabihin ng "pangkukulam" ay ang paggamit ng mahika upang magdulot ng sobrenatural na pinsala o kasawian sa iba, at ito ang nananatiling pinakakaraniwan at laganap na kahulugan.[1] Ayon sa Encyclopedia Britannica, "Witchcraft thus defined exists more in the imagination" ("Binibigyan ng kahulugan ang pangkukulam na higit na umiiral sa imahinasyon", subalit "has constituted for many cultures a viable explanation of evil in the world" ("nabuo sa maraming kultura na isang animo'y paliwanag ng kasamaan sa mundo").[2] Ang paniniwala sa mga mangkukulam ay natagpuan sa buong kasaysayan sa isang malaking bilang ng mga lipunan sa buong mundo. Gumamit ang karamihan sa mga lipunang ito mahikang pamprotekon o kontra-mahika laban sa pangkukulam, at iniiwasan, pinalayas, ikinulong, pinarusahan o pinatay ang mga sinasabing mangkukulam. Ginagamit ng mga antropologo ang katawagag "pangkukulam" para sa magkatulad na paniniwala tungkol sa mga mapaminsalang gawaing okulto sa iba't ibang kultura, at kadalasang ginagamit naman ng mga lipunang ito ang katumbas na katawagang Ingles na witchcraft kapag nagsasalita sa Ingles.[3][4][5]

Ang paniniwala sa pangkukulam bilang masamang salamangka ay pinatunayan mula sa sinaunang Mesopotamia, at sa Europa, na mababakas ang paniniwala sa mga mangkukulam pabalik sa klasikal na sinaunang panahon. Sa medyebal at maagang modernong Europa, karaniwang mga babae ang mga akusado na mangkukulam[6] na pinaniniwalaang lihim na gumamit ng mahikang itim (maleficium) laban sa kanilang sariling komunidad. Karaniwan, ginawa ang mga akusasyon ng pangkukulam ng mga kapitbahay ng mga akusado na mangkukulam, at sinundan mula sa mga panlipunang tensyon. Minsan sinasabing nakipag-ugnayan ang mga mangkukulam sa mga demonyo o sa Diyablo, bagaman sinabi ng antropologo na si Jean La Fontaine na pangunahing ginawa ang gayong mga akusasyon laban sa mga pinaghihinalaang "mga kaaway ng Simbahan".[7] Naisip na maaaring hadlangan ang pangkukulam ng mahikang puti, na ibinigay ng 'albularyo' o 'pantas'. Ang mga pinaghihinalaang mangkukulam ay madalas na inuusig at pinarurusahan, kung napatunayang nagkasala o pinaniniwalaan lamang na nagkasala. Ang mga panghuhuli ng mangkukulam sa Europa sa paglilitis ng mangkukulam sa unang bahagi ng modernong panahon ay humantong sa libu-libong mga pagbitay. Habang ang mga albularyo at komadrona na minsan inaakusahan mismo ng pangkukulam,[8][4][9][10] ay binubuo ng isang minorya ng mga akusado. Ang paniniwala ng mga Europeo sa pangkukulam ay unti-unting humina sa panahon at pagkatapos ng Panahon ng Kaliwanagan.

Maraming mga katutubong sistema ng paniniwala na kinabibilangan ng konsepto ng pangkukulam ay tumutukoy din sa mga mangkukulam bilang mapang-akit, at mga manggagamot na tradisyunal (tulad ng mga albularyo) upang itakwil at alisin ang pangkukulam.[11] Ang ilang mga Aprikano at Melanesiyano ay naniniwala na hinihimok ang mga mangkukulam ng isang masamang espiritu o sangkap sa loob nila. Nagaganap ang modernong panghuhuli ng mangkukulam sa ilang bahagi ng Aprika at Asya.

Mula noong dekada 1930, ang mga tagasunod ng ilang uri ng modernong paganismo ay kinikilala bilang mga mangkukulam at muling tinukoy ang terminong "pangkukulam" bilang bahagi ng kanilang mga neopagano na paniniwala at gawain.[12][13][14] Iniiwasan ng ibang mga neo-pagano ang termino dahil sa mga negatibong konotasyon nito.[15]

Panrehiyong pananaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Paglaganap ng paniniwala sa pangkukulam ayon sa bansa[16]

Natuklasan ng isang pag-aaral noong 2022 na laganap pa rin sa ilang bahagi ng mundo ang paniniwala sa pangkukulam, gaya ng paggamit ng masasamang salamangka o kapangyarihan. Napag-alaman na ang paniniwala sa pangkukulam ay iba-iba mula sa 9% ng mga tao sa ilang mga bansa hanggang 90% sa iba, at nauugnay sa mga kadahilanang pangkalinangan at sosyoekonomiko. Ang mas malakas na paniniwala sa pangkukulam ay nauugnay sa mas mahinang pag-unlad ng ekonomiya, mahinang mga institusyon, mas mababang antas ng edukasyon, mas mababang pag-asa sa buhay, mas mababang kasiyahan sa buhay, at mataas na relihiyoso.[17][16]

Pangkukulam sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangkukulam o panggagaway ay umiiral sa buong Pilipinas kahit bago pa ang kolonisasyon ng mga Kastila, at naiuugnay ito sa katutubong relihiyong pambayan sa Pilipinas. Kinakasangkutan ito ng pagsasagawa ng mahikang itim, partikular ang paggamit ng mahikang simpatetiko na may masamang hangarin.[11]

Bawat pangkat-etniko sa Pilipinas ay may kani-kanyang katawagan para sa mga mangkukulam. Ilan sa mga ito ang sumusunod:[18][19][20]

  • Tagalog: mangkukulam, manggagaway
  • Waray: aswang, malupad, malakat, mambabarang
  • Bisaya: aswang, mambabarang

Ang kasanayan ng pangkukulam sa mga pangkat-etnikong Pilipino ay may kakaibang katawagan din. Ilan sa mga ito ang sumusunod:[20][21]

  • Ilokano: gamod, tanem
  • Tagalog: kulam, gaway
  • Mga wikang Bisaya: barang, hiwit, lágà, haplit, paktol, anyaw
  • Moro: pantak

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hutton (2017), p. ix; Thomas (1997), p. 519.
  2. Lewis, Ioan M. (2023). "Witchcraft". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-06-28. Nakuha noong 2023-07-28. Although defined differently in disparate historical and cultural contexts, witchcraft has often been seen, especially in the West, as the work of crones who meet secretly at night, indulge in cannibalism and orgiastic rites with the Devil, or Satan, and perform black magic. Witchcraft thus defined exists more in the imagination of contemporaries than in any objective reality. Yet this stereotype has a long history and has constituted for many cultures a viable explanation of evil in the world.
  3. Singh, Manvir (2021-02-02). "Magic, Explanations, and Evil: The Origins and Design of Witches and Sorcerers". Current Anthropology (sa wikang Ingles). 62 (1): 2–29. doi:10.1086/713111. ISSN 0011-3204. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-07-18. Nakuha noong 2021-04-28.
  4. 4.0 4.1 Thomas (1997).
  5. Perrone, Bobette; Stockel, H. Henrietta; Krueger, Victoria (1993). Medicine women, curanderas, and women doctors (sa wikang Ingles). University of Oklahoma Press. p. 189. ISBN 978-0806125121. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2017. Nakuha noong 8 Oktubre 2010.
  6. "Witchcraft accusations were an 'occupational hazard' for female workers in early modern England" (sa wikang Ingles). 19 Setyembre 2023.
  7. La Fontaine, J. (2016). Witches and Demons: A Comparative Perspective on Witchcraft and Satanism (sa wikang Ingles). Berghahn Books. pp. 33–34. ISBN 978-1785330865.
  8. Davies (2003).
  9. Riddle, John M. (1997). Eve's Herbs: A History of Contraception and Abortion in the West (sa wikang Ingles). Cambridge, Mass.: Harvard University Press. pp. 110–119. ISBN 0674270266.
  10. Ehrenreich & English (2010).
  11. 11.0 11.1 Tan, Michael L. (2008). Revisiting Usog, Pasma, Kulam (sa wikang Ingles). University of the Philippines Press. ISBN 978-9715425704. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-26. Nakuha noong 2020-09-17.
  12. Doyle White, Ethan (2016). Wicca: History, Belief, and Community in Modern Pagan Witchcraft (sa wikang Ingles). Liverpool University Press. pp. 1–9, 73. ISBN 978-1-84519-754-4.
  13. Berger, Helen A.; Ezzy, Douglas (Setyembre 2009). "Mass Media and Religious Identity: A Case Study of Young Witches". Journal for the Scientific Study of Religion (sa wikang Ingles). 48 (3): 501–514. doi:10.1111/j.1468-5906.2009.01462.x. ISSN 0021-8294. JSTOR 40405642.
  14. Kelly, Aidan A. (1992). James R. Lewis (pat.). Perspectives on the New Age (sa wikang Ingles). Albany: State University of New York Press. pp. 136–151. ISBN 978-0791412138.
  15. Lewis, James (1996). Magical Religion and Modern Witchcraft (sa wikang Ingles). SUNY Press. p. 376.
  16. 16.0 16.1 Gershman, Boris (23 Nobyembre 2022). "Witchcraft beliefs around the world: An exploratory analysis". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 17 (11): e0276872. Bibcode:2022PLoSO..1776872G. doi:10.1371/journal.pone.0276872. PMC 9683553. PMID 36417350.
  17. "Witchcraft beliefs are widespread, highly variable around the world". Public Library of Science via phys.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Disyembre 2022.
  18. Folk Practices and Beliefs in Leyte and Samar, Richard Arens, Divine Word University Publications, 1982 (sa Ingles)
  19. Customs of the Tagalogs, Juan de Plasencis, 1589 (sa Ingles)
  20. 20.0 20.1 Encyclopedia of Philippine Folk Beliefs and Practices, F. R. Demetrio, Xavier University, 1991 (sa Ingles)
  21. Mascuñana, Rolando V.; Mascuñana, Evelyn F. (2004), The Folk Healers-Sorcerers of Siquijor (sa wikang Ingles), REX Book Store, Inc., p. 72, ISBN 971-23-3543-7

Mga pagbanggit

[baguhin | baguhin ang wikitext]