Pumunta sa nilalaman

Istruktura ng kristal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Crystal structure)
Istruktura ng kristal ng sodium chloride (sodium sa purpura, chlorine sa lunti)

Sa kristalograpiya, istruktura ng kristal ay isang paglalarawan ng simetrikal na pagkakaayos ng mga atomo, ion, o molekula sa isang kristal na bagay. Ito ay nagmumula sa likas na katangian ng mga partikulong bumuo ng simetrikal na kaayusan na umuulit sa mga pangunahing direksiyon sa tatlong dimensiyong espasyo.

Ang pinakamaliit na grupo ng mga partikulo sa materyal na bumubuo sa paulit-ulit na pattern ay ang pangunahing selula. Ito ang ganap na sumasalamin sa simetriya at istruktura ng buong kristal, at nabubuo ito sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasalin nito kasama ang mga pangunahing aksis nito. Tinutukoy ng mga vector ng pagsasalin ang mga node ng Bravais lattice.

Lattice constants ang tawag sa haba ng pangunahing axes o gilid ng unit cell at mga anggulo sa pagitan ng mga ito, maaari din silang tawaging lattice parameters o cell parameters. Ang mga katangian ng simetriya ng kristal ay inilalarawan ng konsepto ng mga pangkat ng espasyo. Ang lahat ng posibleng ayos ng mga particle sa espasyong 3D ay maaaring ilarawan ng 230 space groups.

Ang kristal na istraktura at simetrya ay napakahalaga sa pagtukoy ng maraming pisikal na katangian, tulad ng cleavage, istraktura ng electronic band, at transparency sa ilaw.