Pumunta sa nilalaman

Pagmimina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Minahan)
Diorama ng kalimitang pagmimina sa Pilipinas na masisinayahan sa Pambansang Museo.

Ang paghuhukay ay isang takbo ng pagkuha ng mga yamang mineral mula sa kapwa ibabaw at ilalim ng lupa. Ang anumang bagay na hindi malilikha at mapapalago ay kailangang hukayin. Ang paghuhukay ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na paghango, o paghugot. Maaring maging kabilang sa paghuhukay ang paghango ng mga metal at mga mineral, na katulad ng uling, ginto, pilak, platinum, tanso, at bakal. Maari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng langis at likas na gas. Ang taong naghuhukay ay tinatawag na tagahukay.

Ilang uri ng paghuhukay ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa mula sa ibabaw ng lupa. Tinatawag itong paghuhukay na patalop (Ingles: strip mining). Ang ilang paghahango ay isinasagawa sa pamamagitan ng malalim na pagtungo sa ilalim ng lupa upang marating ang isang poso ng hukay (Ingles: mine shaft). Tinatawag ang ganitong paghuhukay bilang paghuhukay sa ilalim ng lupa. Ang ilang paghuhukay, katulad ng paghahango ng ginto ay isinasagawa sa ibang paraan. Ang ginto ay maaring mahango sa pamamagitan ng paghahanap sa himlayan ng isang ilog o ibang agusan o bugsuan ng tubig upang maalis ang mga maliliit na piraso ng ginto. Tinatawag itong pananala ng ginto.

Ang paghuhukay ang tanging paraan upang makangalap ng uling, isang mahalagang mapagkukunan ng lakas at panggatong. Ang mga minahang ito ay maaring paghuhukay na patalop, o kaya ay maaring paghuhukay na umaabot sa daan-daang talampakan ang ilalim ng lupa. Ang paghuhukay sa ilalim ng lupa ay isang mapanganib na hanapbuhay. Nagkakaroon ng mga sakuna sa mga minahan ng uling at tanso, at maraming mga tagapaghukay ng uling ang namamatay taun-taon. Ang mga panuntunan na pangkaligtasan at natatanging mga kagamitang pangkaligtasan ay ginagamit upang mabigyan ng panangga ang mga tagahukay mula sa mga sakuna.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.