Pumunta sa nilalaman

Kalamnan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Muscular system)
Kalamnan
Naglalaman ang katawan ng tatlong sari ng himaymay na kalamnan: (a) kalamnang pambuto, (b) kalamnang makinis, at (c) kalamnang pampuso. (Tulad na magnipikasyon)
Isang iskematikong diyagrama ng iba't ibang uri ng hiblang[a] kalamnan (tulad na pagkakaayos sa itaas)
Mga pagkakakilanlan
FMA5022 30316, 5022
Larawang nagpapakita ng mga kalamnan ng isang lalaki
Lalaking malaman
Larawang nagpapakita ng mga kalamnan ng isang babae
Babaeng malaman
Mga kalamnan ng tao

Ang kalamnan (sa Ingles: muscle; sa Latin: musculus, na may kahulugang "bubwit" o "maliit na daga")[1] ay mga nagpapagalaw na mga himaymay ng katawan at hinango mula sa patong na mesodermal ng mga hiblang mikrobyong embriyoniko. Sa mga may-gulugod, sinasari ang himaymay na kalamnang pambuto, pampuso, at kalamnang makinis,[2][3] at tungkulin nitong lumikha ng lakas at magdulot ng galaw, na maaring isang paggalaw ng buto o paggalaw ng mga lamanloob.

Nangyayari ang karamihan sa mga paggalaw ng mga kalamnan na hindi tuwirang pinapagalaw ng isip, at napakahalaga para sa buhay tulad ng galaw ng puso, o peristalsis ng tiyan na nagtutulak sa pagkaing lumalagos sa sistema ng panunaw. Ginagamit ang kusang paggalaw sa pagpapakilos ng katawan, at maaring pinuhin at pigilin tulad ng mga galaw ng mata, o magaspang na kilos tulad ng sa kalamnang kuwadriseps ng hita. May dalawang malawakang uri ng himaymay ng mga kalamnang kusang-napapagalaw, mabagal na pintig, at mabilis na pintig. Kumikilos ang mga himaymay na may mabagal na pintig sa loob ng mahahabang mga panahon subalit gumagamit na kaunting lakas, habang maliksi namang gumagalaw at madaling mapagod ang mga himaymay na mabilis kung pumintig.

Pagpintig[b] ang pangunahing tungkulin ng mga himaymay na kalamnan. May mahalagang pagkakaiba ang tatlong sari ng himaymay na kalamnan (pambuto, pampuso, at makinis). Bagaman, gumagamit ang lahat ng tatlong ito ng galaw ng aktina at miyosina upang makagawa ng pintig.

  1. Kalamnang pambuto – nangyayari ang pagpintig dito sa kalabit[c] ng mga salpok pang-dagitab na dinadala ng nerbyong pangkilos. Nagkakaroon ng kalabit[d] ang mga kalamnang pampuso at makinis sa pamamagitan ng panloob na mga hibla[e] ng kalamnan na namamahala ng tulin, na panay na nagkaroon ng pagpintig, at nagpapalaganap ng pagpintig sa ibang hiblang kalamnan na kaugnay nila. Pinapagaan ang lahat ng pagpintig ng kalamnang pambuto at maraming kalamnang makinis sa pamamagitan ng asetilkolinang neurotransmisor. Kabilang sa ibang himaymay sa kalamnang pambuto ang mga litid at perimisiyo.[4]
  2. Kalamnang pampuso – ito ang kalamnan ng puso. May sariling pagpintig ito, di-kusa ang pamamahala, at kailangang magpatuloy na may tabunggok[f] para sa buong buhay ng nilalang. Kaya naman, may natatanging katangian ito.
  3. Kalamnang makinis – matatagpuan ito sa halos lahat ng mga sistemang organo tulad ng mga organong may puwang tulad ng sikmura at pantog; sa mga kayariang malahungkag[g] tulad ng dugo at mga lagusang linpa, at maliliit na hungkag[h] ng apdo; sa mga espinter tulad ng nasa sinapupunan, at mata. Gumaganap din ang kalamnang makinis sa mga maliliit na hungkag ng glandulang eksokrino. Sinasagawa nito ang iba't ibang gawain tulad ng pagpapasak ng mga oripisyo (halimbawa, piliro, oripisyong uterino) o ang pagpapadala ng kimo sa pamamagitan ng mga malaalon na pintig ng hungkag ng bituka. Lalong mabagal ang pagpintig ng kalamnang makinis kaysa sa kalamnang pambuto, subalit mas malakas sila, mas tumatagal, at nangangailangan ng mas maunting lakas. Di-kusa rin ang kalamnang makinis, hindi tulad ng kalamnang pambuto na nangangailangan ng isang kalabit.

Mga katangian ng himaymay na kalamnan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kakayahang mairita – ito ang kakayahan ng kalamnan na kumilos o magbigay ng kaugnay na tugon sa kahit anong tugong kemikal na kinakailangan o nagaganap sa sihay na pang-ugat.
  2. Kakayahang konduktibidad – ito ang kakayahan ng kalamnan na magparami mula sa kalabit pang-dagitab patungo sa membrano.
  3. Kakayahang gumalaw o pumintig – ito ang nagbibigay kakayahan sa kalamnan na magpaiksi at maglabas ng lakas kung kinakailangan.
  4. Kakayahang humaba – nangyayari ang pagpapahaba ng hindi nasusugatan kung kinakailangan. Kakayahang mabanat at mapaurong – ito ang pagiging lastik ng kalamnan na nagbabalik ng tunay na anyo sa kalamnan matapos na ito ay umiksi o magpahaba.

Sistemang pangkalamnan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sistemang pangkalamnan, sistemang muskular, o pamamaraang pangsangkalamnan ay ang sistemang panghaynayan ng isang nilalang at siyang nagpapagalaw sa nilalang na ito. Napapamahalaan ang sistemang pangkalamnan ng mga may-gulugod sa pamamagitan ng sistemang nerbiyos, bagaman may ilang mga kalamnan tulad ng kalamnang pampuso na sadyang may kakayahang magsarili at kumilos mag-isa. Kasama ng sistemang pambuto sa tao, binubuo nito ang sistemang muskuloskeletal, na namamahala sa pagkilos ng katawan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Kahulugan at pinagmulan ng salitang muscle". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-20. Nakuha noong 2007-10-10.
  2. KMLE Medical Dictionary. "KMLE Medical Dictionary Definition of muscle (Kahulugan ng laman mula sa Talasalitaang Pangmedisina ng KMLE)". Isinangguni noong 17 Peb 2006.
  3. "eLS" (sa wikang Ingles). Wiley. 30 Mayo 2001. doi:10.1002/9780470015902.a0026598. Nakuha noong 24 Abril 2023. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  4. Dave, Heeransh D.; Shook, Micah; Varacallo, Matthew (2024), "Anatomy, Skeletal Muscle", StatPearls (sa wikang Ingles), Treasure Island (FL): StatPearls Publishing, PMID 30725921, nakuha noong 2024-04-22
  5. Standring S, Gray H (2016). Gray's anatomy : the anatomical basis of clinical practice (ika-Forty-first (na) edisyon). [Philadelphia]. ISBN 9780702052309. OCLC 920806541.{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
  1. cell
  2. kontraksyon
  3. istimulasyon
  4. istimulasyon
  5. selula
  6. ritmo
  7. tubo
  8. tubo