Pumunta sa nilalaman

Sanggunian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagbanggit)

Ang sanggunian ay isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan ang isang bagay ay nagtatakda, o gumaganap bilang isang paraan upang umugnay o kumawing sa isa pang bagay. Ang unang bagay sa ugnayang ito ay sinasabing tumutukoy sa pangalawang bagay. Ang ikalawang bagay na ito – ang bagay na tinutukoy ng unang bagay.

Ang katagang sanggunian ay ginagamit sa maraming mga kalipunan, sakop, o saklaw ng kaalaman ng tao, na umaako ng mga antas ng kahulugan na tiyak sa mga diwa o mga konteksto na pinaggagamitan nito. Ang mga sanggunian ay maaring magkaroon ng maraming mga hubog, kabilang na ang isang kaisipan, isang pagkaunawa ng pandama katulad ng narinig (onomatopoeia), natanaw (teksto), naamoy, nahipo, o katayuan ng damdamin, kaugnay sa iba pa,[1] koordinado ng espasyo-panahon, masagisag, isang bagay na pisikal o isang pagtudla ng lakas; subalit, umiiral ang iba pang matibay at makathang mga konteksto bilang mga paraan ng paglalarawan o pagbibigay ng kahulugan na nasa loob ng sakop ng sari-saring mga larangan na nangangailangan ng isang pinagmulan, tuldok ng paglisan, at isang anyong tunay. Kabilang dito ang mga paraan na sadyang nagkukubli ng sanggunian o pagtukoy mula sa ilang mga tagapagmasid, katulad ng sa kriptograpiya.

Ang isang talaan ng mga sanggunian ay tinatawag na talasanggunian.

Kabilang sa mga uri ng sanggunian ang pangunahing sanggunian at ang pangkalawang sanggunian. Ang pangunahing sanggunian ay ang kaalaman na galing tuwiran sa taong nakasaksi ng pangyayari. Halimbawa na si Chavit Singson na saksi sa labanang Pacquiao vs. Bradley. Ang pangkalawang sanggunian ay ang tawag sa kaalamang galing sa iba, na nalaman lang natin dahil sa taong nakasaksi sa pangyayari. Halimbawa na ang mga kaalaman at kabatirang galing sa aklat o diyaryo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Treanor, Brian, Aspects of alterity: Levinas, Marcel, and the contemporary debate, Fordham University Press, 2006, p.41

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.