DWAL
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Batangas |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Batangas at mga karatig na lugar |
Frequency | 95.9 MHz |
Tatak | 95.9 Radyo Totoo |
Palatuntunan | |
Wika | Filipino |
Format | News, Public Affairs, Talk, Religious |
Affiliation | Catholic Media Network |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Radyo Bayanihan System |
DWAM | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1969 (sa AM) 2009 (sa FM) |
Dating call sign | DWAM (1969–2002) |
Dating frequency | 1290 kHz (1969 - 1978) 1368 kHz (1978 - 1984) 1080 kHz (1984 - 2002) |
Kahulagan ng call sign | Arkidiyosesis ng Lipa |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Class | C/D/E |
Power | 1,500 watts |
ERP | 7,500 watts |
Coordinates ng transmiter | |
![]() 13°42′39″N 121°08′16″E / 13.71071°N 121.13765°E | |
Link | |
Website | 95.9 Radyo Totoo |
Ang DWAL (95.9 FM), sumasahimpapawid bilang 95.9 Radyo Totoo, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radyo Bayanihan System ng Arkidiyosesis ng Lipa. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa ika-2 palapag, St. Francis de Sales Broadcast Center, 7 C. Tirona St., Lungsod ng Batangas; at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Sto. Domingo, Lungsod ng Batangas.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1969-2002: DWAM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1969 bilang DWAM-AM sa 1290 kHz. Nasa Calero Road ang una nitong tahanan. Gayunpaman, sa deklarasyon ng Batas Militar noong Setyembre 21, 1972, ito ang kabilang sa mga isinarang istasyong. Pagkatapos ng isang buwan, bumalik ito sa ere. Sa kalagitnaan ng dekada 70, lumipat ito sa Basilica Site sa Hilltop, Kumintang Ibaba.
Noong Nobyembre 23, 1978, lumipat ang talapihitan nito sa 1368 kHz. Noong 1984, lumipat muli ang talapihitan nito sa 1080 kHz, na dating pinag-arian ng DZBT mula 1980 hanggang 1983, nung lumipat ito sa Legazpi, Albay bilang DWRL.[3][4]
Noong 2002, dahil sa kalumaan ng mga pasilidad ng himpilang ito, nawala ito sa ere. Napaso ang lisensya nito noong 2004 bago ito makabalik sa ere.
2009-kasalukuyan: ALFM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong kalagitnaan ng 2009, bumalik ito sa ere sa FM sa 95.9 MHz at may call letters na DWAL. ALFM 95.9 Radyo Totoo ang pangalan nito na binansagang Makipanalig, Makiugnay at Makidasal. Hindi kagaya ng kapatid nito na 99.1 Spirit FM, lisensyado ito sa Bayanihan Broadcasting Corporation na tagahawak ng lisensya ng mga himpilan ng radyo ng Catholic Media Network sa Quezon Province at Baler, Aurora. Higit pa rito, sa mga unang buwan ng pagsasahimpapawid nito, ang Radyo Natin Calamba na nasa sa parehong frequency ay humadlang sa pagsasahimpapawid ng ALFM. Naayos ang isyu nito noong 2010 nung lumipat ang Radyo Natin Calamba sa 106.3 MHz. Sa parehong taon, binago nila ang slogan sa Evangelization Radio, na kalaunan ay naging News and Evangelization Radio.[5]
Noong Mayo 21, 2015, lumipat ang ALFM at Spirit FM sa bagong nitong tahanan sa Balmes Building sa C. Tirona Street. Ang Basilica Site ay giniba at ginawang mortuary para sa mga parokya.
Noong 2018, binansagan itong Katiwala Mo sa Serbisyo at Tunay na Balita.
ALFM sa Telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang TeleRadyo ng ALFM ay inilunsad noong Pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2016 sa MyCATV cable na nakabase sa Batangas sa pamamagitan ng Community Billboard Channel 8. Sa ilalim ng kasunduan na ginawa ng cable channel at ng istasyon, sabay-sabay na maglalabas ang channel ng mga programa ng ALFM sa umaga mula 7:00-10:30 am tuwing Linggo hanggang Biyernes, at 7:00-11:00 tuwing Sabado. Binansagan ito bilang Ang NewsRadio ng Batangueño. Noong Disyembre 2018, naging Asian Vision ang MyCATV.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Communication Services | Batangas
- ↑ Golden Laurel LPU Batangas Media Awards 2019 Official Tally of Votes
- ↑ Co-workers condemn murder of Batangas election officer
- ↑ "Communication & Mass Media". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-05-06. Nakuha noong 2020-06-05.
- ↑ Archdiocese of Gets a New FM Station