Pumunta sa nilalaman

DWNX

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
RMN Naga (DWNX)
Pamayanan
ng lisensya
Milaor
Lugar na
pinagsisilbihan
Camarines Sur at mga karatig na lugar
Frequency91.1 MHz
TatakDWNX RMN Naga
Palatuntunan
WikaBicolano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
NetworkRadyo Mo Nationwide
Pagmamay-ari
May-ariRMN Networks
Kaysaysayn
Unang pag-ere
February 14, 1992
Dating pangalan
NXFM (February 14, 1992-August 15, 1992)
Smile Radio (August 16, 1992-May 30, 1996)
Dating frequency
1611 kHz (2016–2022)
Kahulagan ng call sign
Naga's Xtra Large
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
ERP32,000 watts
Repeater1296 kHz
Link
WebsiteRMN Naga

Ang DWNX (91.1 FM) RMN Naga ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center, Maharlika Highway, Brgy. Del Rosario, Milaor.[1][2][3][4]

Itinatag ang DWNX noong Pebrero 14, 1992 na may Top 40 na format. Noong Agosto 16, 1992, naging Smile Radio ito na may pang-masa na format. Noong Hunyo 1, 1996, muli itong inilunsad bilang RMN Naga, ang kauna-uanhang himpilan sa FM na may format na pang-AM. Noong panahong iyon, unang ito binatikos ng ilang tagapakinig dahil sa radikal na pagbabago ng format nito. Sa kalaunan ay naging numero 1 na himpilan sa Bicol na may ganyang format. Noong huling bahagi ng 2016, inilunsad nito ang riley sa AM sa pamamagitan ng 1611 kHz para palawigin ang saklaw ng pagsasahimpapawid nito.

May mga plano para ilipat ang DWNX sa AM para ilunsad ang iFM sa kasalukuyang talapihitan nito. Gayunpaman, dahil sa pare-parehong tagumpay ng himpilang ito, ipinagpaliban ang planong ito. Noong Mayo 25, 2022, lumipat sa 1296 kHz ang riley nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "2015 ANNUAL PERFORMANCE REPORT | NTC Region 5" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong October 25, 2022. Nakuha noong December 8, 2020.
  2. Media in Naga City
  3. Naga's DWNX dominates the air waves[patay na link]
  4. Unveiling of RMN DWNX