Pumunta sa nilalaman

DWRT

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
XFM Manila (DWRT)
Pamayanan
ng lisensya
Mandaluyong
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Manila at mga karatig na lugar
Frequency99.5 MHz
Tatak99.5 XFM
Palatuntunan
WikaFilipino
FormatContemporary MOR, News, Talk
NetworkXFM
Pagmamay-ari
May-ariReal Radio Network Inc.
OperatorY2H Broadcasting Network Inc.
Kaysaysayn
Unang pag-ere
6 Setyembre 1976 (1976-09-06)
Kahulagan ng call sign
Emilio Remedios Tuason (dating may-ari)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power25,000 watts
ERP60,000 watts

Ang DWRT (99.5 FM), sumasahimpapawid bilang 99.5 XFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Real Radio Network at pinamamahalaan ng Y2H Broadcasting Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Unit 906-B, Paragon Plaza Building, EDSA cor. Reliance St., Mandaluyong, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Palos Verdes, Antipolo.

1976–2006: Ang unang 99.5 RT

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinatag ang himpilang ito noong Setyembre 6, 1976 bilang 99.5 RT, ang kauna-unahang himpilan sa Pilipinas na may Top 40 na format. Nasa ilalim ito ng pagmamay-ari ng Trans-Radio Broadcasting Corporation ng pamilya Tuazon. Ang mga unang bansag nito ay "The Sound Of The City" at "Your Radio Music Authority". Sa umpisa ng dekada 80, binansagan itong "The Rhythm Of The City".[1]

Kilala ang RT sa pagpakilala ng mga panibagong bandang at artistang dayuhan sa mga tagapagkinig. Umere din ito ng American Top 40 and the Rick Dees Weekly Top 40 na galing sa Amerika. Kabilang nito ay ang kantang "More to Lose" ng Seona Dancing, kung saan ipinahula nito sa tagapagkinig nito ang kanta bilang "Medium" na kinanta ng "Fade," ang dalawang salitang naglarawan sa kantang yan: a medium tempo with an ending that faded out.[2]

Nasa #10 Doña Natividad Building sa kahabaan ng Abenida Quezon sa Lungsod Quezon ang una nitong tahanan. Noong 1978, pagkatapos nung nasunog ang gusaling yan, lumipat ito sa Suite 608, Pacific Bank Building (ngayo'y kilala bilang Security Bank Centre) sa kahabaan ng Abenida Ayala sa Makati.[3]

Kabilang sa mga sinaunang personalidad ng RT ay sina Emilio Tuason (bilang "J.W. Christian" at "E.T.") hanggang sa nagretiro siya noong 1987 dahil sa mga problema niyang personal, at Mike Pedero, na nagsilbing programming manager hanggang sa lumipat siya sa RK96 Real Radio noong 1980.[4] Kabilang ang RT sa pagsaklaw sa pagkamatay ni Benigno Aquino Jr. at ang kanyang burol noong 1983, ang Halalan at ang Rebolusyong EDSA noong 1986.

Noong Oktubre 11, 1985, inilunsad ang Kiss FM 101.1 (na ngayo'y Yes FM) at karamihan sa mga personalidad ng RT ay kabilang dun. Dito nagsimula ang pagbagsak ng RT sa ratings. Noong Mayo 1986, muling inilunsad ang RT bilang "Red Hot Radio" at nagpatugtog lamang ito ng new wave music, kagaya ng kakumpitensya nito na WXB 102 (na ngayo'y Star FM), per limitado ito sa mga mainstream na artista at banda. Gayunpaman, hindi ito nagtagumpay at ibinalik ito sa orihinal nitong format.

Noong 1989, binansagan itong "Your Maximum Music Authority" at nagpalit ito ng format sa modern rock. Noong 1992, muli ito ibinalik sa orihinal na format.[5]

Noong Hunyo 14, 1996, ibinenta ang 99.5 FM sa grupo Quest Broadcasting (may-ari ng Magic 89.9) na pagmamay-ari ni Luis "Bobet" Vera sa ilalim ng Real Radio Network (kilala din bilang Enrique M. Orozco & Sons, Inc.)[6] at muli ito binansagang "Source For The Best Hits".

Lumipat ito sa Royal Match Building na katapat ng dati nitong tahanan. Noong Abril 1999, lumipat ito sa kasalukuyan nitong tahanan sa Paragon Plaza Building sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong.

Noong 2001, binansangan itong "The Most Hit Music" at naglunsad ito ng mga sarili nitong programa. Kabilang sa mga ito ay Up and Coming (isang countdown na inihati sa dalawa: RT Top 10 Biggies na pang-araw-araw at RT40 tuwing Sabado), On the Decks (na naging David's House), RT Sunday Sessions at 24K Friday. Noong 2004, naglunsad ng RT ang "Ripe Tomatoes", ang taun-taong concert na nagtatampok ng 30 na lokal na banda.

Noong Disyembre 18, 2006, namaalam ang 99.5 RT sa ere. Gayunpaman, ipinatuloy pa rin ang mga karamihan sa mga programa nito.

2007–2008: Hit FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Enero 1, 2007, inilunsad ang himpilang ito bilang Hit 99.5. Sumunod ang mga bago nitong programa noong Enero 8. Kahit nanatili pa rin ang format nito, pang-lamanan ang direksyon nito kesa pang-musika. Noong Agosto, naging 99.5 Hit FM ito.

Noong Marso 19, 2008, sa kalagitnaan ng Semana Santa, namaalam ang 99.5 Hit FM sa ere.

Noong Marso 23, 2008, inilunsad ang himpilang ito bilang 99.5 Campus FM. Karamihan sa mga personalidad nito (na kilala bilang Campus Air Force) ay galing sa Barangay LS 97.1 (na dati kilala bilang Campus Radio 97.1 WLS FM) na sinibak ni Mike Enriquez noong Enero. Noong Mayo 2008, naging Campus 99.5 ito.

Kahit karamihan sa mga programa nito ay galing sa nasabing himpilan, nanatili pa rin ang iilan sa mga dating programa ng Hit FM, kagaya ng BrewRats at David's House.

Noong Agosto 14, 4pm, bilang tinigil ang Campus 99.5 dahil sa problema sa pamamahala. Gayunpaman, ipinatuloy pa rin ang himpilang ito sa ere nang walang mga personalidad. Nanatili pa rin ang BrewRats hanggang Agosto 21, nung nawala sila ng ere pansamantala para magpahinga.

Noong Marso 21, 2009, bumalik ang Campus Radio sa internet. Noong 2012, tahimik ito namaalam.

2008–2012: Ang Pagbabalik ng 99.5 RT

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Setyembre 1, 2008, muling inilunsad ang 99.5 RT at ginamit nito ang dati nitong bansag na "The Rhythm Of The City". Karamihan sa mga personalidad nito ay galing sa orihinal na RT, at iilan sa mga ito ay galing sa Hit FM at Campus.

Noong 2009, binansagan itong "The Best Music on the Planet", na ginamit din ng kapatid nito na 105.9 Mix FM na nakabase sa Davao. Tuwing tag-init, ginamit ng RT ang dati nitong bansag na "Red Hot Radio". Noong 2010, inilunsad ng RT ang "The Farm", isang paghehersisyo para sa mga baguhan.

Noong Oktubre 2010, binansagan itong "The Drive" at nagpalit ito ng format sa modern rock-leaning na Top 40, kung saan nagpatugtog ito ng ilang modern rock na kanta. Noong Hunyo 2011, ibinalik nito ang dati nitong bansag na "The Best Music on the Planet" at muli itong nagpalit ng format sa indie-leaning adult Top 40.

Noong Oktubre 2012, desidido ang pamamahala nito na i-reformat ang himpilang ito. Bilang bahagi ng transisyon, pinalitan ang karamihan ng mga personalidad nito sa mga mas batang personalidad (na mga dating Junior Jock ng Magic 89.9), at namaalam ang ilan sa mga programa nito. Noong Disyembre 9, namaalam muli ang 99.5 RT sa ere.

2012–2025: Play FM

[baguhin | baguhin ang wikitext]
99.5 Play FM logo from 2016 until 2025.

Noong Disyembre 10, 2012, inilunsad ang himpilang ito bilang 99.5 Play FM. Kahit nanatili pa rin ang format nito, mas bata ang target nito, kagaya ng nasa high school at kolehiyo.[7]

Noong Enero 2017, inilunsad ng Play FM ang mga bansag na "Just Press Play" at "Number 1 for New Music and all the Hits".[8][9]

Noong Abril 30, 2025, tahimik nang namaalam ang Play FM sa ere.

2025-kasalukuyan: XFM

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 19, 2025, kinuha ng Y2H Broadcasting Network, isang kumpanyang pagsasahimpapawid ni Remelito Uy na nagpapatakbo ng XFM, ang operasyon ng himpilang ito.[10]

Noong Mayo 1, bumalik sa ere ang himpilang ito na may pang-masa na format sa ilalim ng pagsusuri. Inilunsad ito noong Hunyo 8 bilang 99.5 XFM.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Play it again
  2. The resilience of PH FM radio
  3. The Ovation Story
  4. Ugarte, Jose Mari (October 2010). "Life is A Rock…But The Radio Rolled Me (Radiohead: The Emilio Tuason Story)". Rogue Magazine. pp. 64–74.
  5. Mendoza, Meg (January 27, 1989). "A Change of Format". Manila Standard. Philippine Manila Standard Publishing. p. 16. Nakuha noong May 2, 2022 – sa pamamagitan ni/ng Google News.
  6. "Republic Act No. 8717". Lawphil.net. Nakuha noong 16 April 2023.
  7. "This Jingle Package Is The First In The Market, Listen Now @Soundquadrat". RadioJinglesPRO.com. January 19, 2015. Nakuha noong February 5, 2015.
  8. "Redoing a Eulogy for CJ the DJ". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2025-05-07.
  9. "Radio stalwart CJ Rivera passes away". GMA News Online (sa wikang Ingles). 2024-08-21. Nakuha noong 2025-05-07.
  10. Facebook https://www.facebook.com/profile.php?id=100064161960051. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)