Pumunta sa nilalaman

DXCC

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
RMN Cagayan de Oro (DXCC)
Pamayanan
ng lisensya
Cagayan de Oro
Lugar na
pinagsisilbihan
Misamis Oriental at mga karatig na lugar
Frequency828 kHz
TatakDXCC RMN Cagayan de Oro 828
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk, Drama
NetworkRadyo Mo Nationwide
Pagmamay-ari
May-ariRadio Mindanao Network
99.1 iFM
Kaysaysayn
Unang pag-ere
28 Agosto 1952 (1952-08-28)
Dating frequency
  • 1560 kHz (1952–1961)
  • 780 kHz (1952–1978)
Kahulagan ng call sign
Cagayan de Oro City
Canoi at Cui
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts
Link
WebsiteRMN Cagayan de Oro

Ang DXCC (828 AM) RMN Cagayan de Oro ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Radio Mindanao Network. Ito ang nagsisilbing punong himpilan ng RMN. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa RMN Broadcast Center (Canoy Bldg.), Don Apolinario Velez St., Cagayan de Oro, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Taboc, Opol.[1][2][3]

Itinatag noong Agosto 28, 1952, ang DXCC ay ang kauna-unahang himpilan ng radyo sa lungsod. Ang call letters nito ay dapat na nangangahulugang kina Canoy at Cui. Ngunit, ayon kay Henry Canoy sa kanyang talaarawan, talagang nangangahulugan ito bilang Cagayan de Oro City.[4]

Itinatag ang DXCC noong Hulyo 4, 1952 sa ilalim ng pagsusuri sa himpapawid, kasabay ng kaarawan ng ina ni Henry Canoy. Noong panahong iyon, nasa 1560 kHz ang talapihitang ito. Ang 500-watt transmiter nito ay ginawa mula sa mga parte galing sa Raon sa Quiapo, Manila, na may lamang teleskopiko na poste ng bakal na hiniram mula sa Bureau of Telecom na nagsilbing antenna, na ikinabit mula sa poste patungo sa puno ng niyog.[5]

Opisyal ito inilunsad noong Agosto 28, 1952, kasabay ng pista ng bayan ng San Agustin. Kasama ito ang pagpapalabas ng "Anejo Rum" mula sa Plaza Divisoria sa downtown Cagayan de Oro, kung saan siningil ni Canoy ang tagapamahala ng La Tondena na si Hugo Chan Hong ng halagang P500 bilang bayad sa pagsaklaw nito.[6]

Kasalukuyang kabilang ang DXCC sa mga pinakapinakikinggang himpilan sa AM sa lungsod.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "CDO Broadcast Media". Inarkibo mula sa orihinal noong September 11, 2017. Nakuha noong October 15, 2019.
  2. New radio station in CDO to go on air
  3. DXCC and iFM Job Fair
  4. Henry R. Canoy signs off, Antonio J. Montalvan II, Philippine Daily Inquirer Naka-arkibo June 2, 2008, sa Wayback Machine.
  5. RESOLUTION No. 75
  6. "Henry R. Canoy, 84". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-04. Nakuha noong 2025-05-19.
  7. RMN DXCC tops AC Nielsen survey