Karpa


Ang katawagang karpa (Ingles: carp) ay isang panlahat na karaniwang pangalan para sa maraming espesye ng isdang tabang mula sa pamilya Cyprinidae, isang napakalaking klado ng isdang na may malasinag na palikpik na karamihan na katutubo sa Eurasya. Habang ang karpa ay pinahahalagahan na pantropeong isda at pinahahalagahan (kahit na komersyal na nilinang) bilang parehong pagkain at isdang pampalamuti sa maraming bahagi ng Lumang Daigdig,[1] itinuturing ang mga ito na mga basurang isda at mga pesteng nagsasalakay sa maraming bahagi ng Aprika, Australya at karamihan sa Estados Unidos.[2][3]
Biyolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang cypriniformes (pamilya Cyprinidae) ay tradisyunal na nakagrupo sa Characiformes, Siluriformes, at Gymnotiformes upang lumikha ng superorden na Ostariophysi, dahil ang mga pangkat na ito ay nagbabahagi ng ilang karaniwang katangian. Kabilang sa mga tampok na ito ang pamamalagi ng nakararami sa sariwang tubig at pagkakaroon ng mga aparatong Weberiyano, isang anatomikong istraktura na nagmula sa unang limang pinaka-anteryor na bertebra, at ang kanilang mga katumbas na mga tadyang at nyural na gulugod.

Ang pangatlong pinaka-anteryor na pares ng mga tadyang ay nakakabit sa extensyon ng labirintong mabuto at ang posteryor sa pantog panglangoy o swim bladder. Ang gamit ay hindi gaanong nauunawaan, subalit ang istrakturang ito ay ipinapalagay na nakikibahagi sa paghahatid ng mga panginginig mula sa pantog panglangoy o swim bladder patungo sa labirinto at sa pang-unawa ng tunog, na magpapaliwanag kung bakit ang Ostariophysi ay may napakahusay na kapasidad para sa pandinig.
Mga espesye
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilang prominenteng karpa sa pamilyang Cyprinidae | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Karaniwang pangalan | Kangalanang dalawahan | Pinakamahabang haba (sentrimetro) | Karaniwang haba (sentimetro) | Pinakamabigat na bigat (kilogramo) | Pinakamatandang gulang (taon) | Antas tropiko | Impormasyon sa Fish Base |
FAO | ITIS | Katayuan sa IUCN |
Silver carp (karpang pilak) | Hypophthalmichthys molitrix (Valenciennes, 1844) | 105 | 18 | 50 | 2.0 | [4] | [5] | [6] | ![]() | |
Karaniwang karpa (karpang Europeo) | Cyprinus carpio (Linnaeus, 1758) | 110 | 31 | 40.1 | 38 | 3.0 | [8] | [9] | [10] | ![]() |
Grass carp (karpang pangdamo) | Ctenopharyngodon idella (Valenciennes, 1844) | 150 | 10.7 | 45.0 | 21 | 2.0 | [11] | [12] | Hindi nasuri | |
Bighead carp (karpang malaking ulo) | Hypophthalmichthys nobilis (Richardson, 1845) | 146 | 60 | 40.0 | 20 | 2.3 | [13] | [14] | ![]() | |
Crucian carp (karpang Krusiyano) | Carassius carassius (Linnaeus, 1758) | 64 | 15 | 3.0 | 10 | 3.1 | [16] | [17] | ![]() | |
Catla carp (Indian carp o karpang Indiyano) | Cyprinus catla (Hamilton, 1822) | 182 | 38.6 | 2.8 | [18] | [19] | Hindi nasuri | |||
Mrigal carp (karpang Mrigal) | Cirrhinus cirrhosus (Bloch, 1795) | 100 | 40 | 12.7 | 2.5 | [20] | [21] | ![]() | ||
Black carp (karpang itim) | Mylopharyngodon piceus (Richardson, 1846) | 122 | 12.2 | 35 | 13 | 3.2 | [23] | [24] | Hindi nasuri | |
Mud carp (karpang putik) | Cirrhinus molitorella (Valenciennes, 1844) | 55.0 | 15.2 | 0.50 | 2.0 | [25] | [26] | ![]() | ||
Caspian roach | Rutilus caspicus (Yakovlev, 1870) | 45 | 32.5 | 2 | [27] | ![]() |
Bilang isdang pampalamuti
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang karpa, kasama ang marami sa kanilang mga kamag-anak na cyprinid, ay sikat na isdang pampalumuti sa akwaryum at tubigan.
Ang mga pampalamuting goldfish o lali ay orihinal na pinaamo mula sa kanilang ligaw na anyo, isang madilim na kulay-abong-kayumangging karpa na katutubo sa Asya, subalit maaaring naimpluwensyahan ng Carassius carassius at Carassius gibelio. Una silang pinalaki para sa kulay sa Tsina mahigit isang libong taon na ang nakalilipas. Dahil sa piling pag-aanak, ang mga goldfish ay nabuo sa maraming natatanging lahi, at matatagpuan sa iba't ibang kulay, huwaran ng kulay, anyo at sukat na malayong naiiba sa orihinal na karpa. Ang mga goldfish ay iningatan bilang isdang pampalamuti sa Tsina sa loob ng libu-libong taon bago ipinakilala sa bansang Hapon noong 1603, at sa Europa noong 1611.[29]
Ang Nishikigoi, na mas kilala bilang koi, ay isang domestikadong uri ng karaniwang karpa at karpang Amur (Cyprinus rubrofuscus) na piling pinarami para sa kulay. Ang karaniwang karpa ay ipinakilala mula sa Tsina hanggang bansang Hapon, kung saan ang piling pag-aanak noong dekada 1820 sa rehiyon ng Niigata ay nagresulta sa koi.[30] Sa kulturang Hapon, ang koi ay tinatrato nang may pagmamahal, at nakikita bilang suwerte.[31] Ang mga ito ay sikat sa ibang bahagi ng mundo bilang isdang makikita sa mga tubigan.[32]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Short Reports - How to Cook a Carp". TPWD (sa wikang Ingles). Texas. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-26. Nakuha noong 2023-07-23.
- ↑ "What are Invasive Carp?". USGS (sa wikang Ingles). United States. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-05-16. Nakuha noong 2023-07-23.
- ↑ "Carp in the Murray-Darling Basin and Commonwealth environmental water". DCCEEW (sa wikang Ingles). 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-10. Nakuha noong 2023-07-23.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Hypophthalmichthys molitrix" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ Hypophthalmichthys molitrix (Valenciennes, 1844) FAO, Species Fact Sheet. Hinango nooong Mayo 2012. (sa Ingles)
- ↑ "Hypophthalmichthys molitrix" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 5 Marso 2017.
- ↑ 7.0 7.1 Freyhof, J.; Kottelat, M. (2008). "Cyprinus carpio". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2008: e.T6181A12559362. doi:10.2305/IUCN.UK.2008.RLTS.T6181A12559362.en. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Cyprinus carpio" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ Cyprinus carpio (Linnaeus, 1758) FAO, Species Fact Sheet. Hinango noong Mayo 2012.
- ↑ "Cyprinus carpio" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Ctenopharyngodon idella" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Ctenopharyngodon idella" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Hypophthalmichthys nobilis" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Hypophthalmichthys nobilis" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ 15.0 15.1 Freyhof, J.; Kottelat, M. (2008). "Carassius carassius". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2008: e.T3849A10117321. doi:10.2305/IUCN.UK.2008.RLTS.T3849A10117321.en. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Carassius carassius" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Carassius carassius" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Cyprinus catla" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Cyprinus catla" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Cirrhinus cirrhosus" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Cirrhinus cirrhosus" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 5 Marso 2017.
- ↑ Rema Devi, K.R.; Ali, A. (2011). "Cirrhinus cirrhosus". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2011: e.T166531A6230103. doi:10.2305/IUCN.UK.2011-1.RLTS.T166531A6230103.en. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Mylopharyngodon piceus" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Mylopharyngodon piceus" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Cirrhinus molitorella" sa FishBase. Bersyong Mayoo 2012 (sa Ingles).
- ↑ "Cirrhinus molitorella" (sa wikang Ingles). Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 1 Mayo 2012.
- ↑ Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2019). "Cirrhinus molitorella" sa FishBase. Bersyong Marso 2019 (sa Ingles).
- ↑ Freyhof, J.; Kottelat, M. (2008). "Rutilus caspicus". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2008: e.T135601A4157650. doi:10.2305/IUCN.UK.2008.RLTS.T135601A4157650.en. Nakuha noong 18 Pebrero 2024.
- ↑ "Goldfish history, colour and finnage, diseases, how to keep them, and how to breed them" (sa wikang Ingles). bristol-aquarists.org.uk. Nakuha noong 2015-01-18.
- ↑ "Midwest Pond and Koi Society – Koi History: Myths & Mysteries, by Ray Jordan" (sa wikang Ingles). Mpks.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-23. Nakuha noong 2010-07-29.
- ↑ Goto, Mao (November 24, 2021). "The History of Koi and Their Meaning in Japan". Japan Wonder Travel Blog (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 24, 2023. Nakuha noong Hulyo 27, 2023.
- ↑ "Japan's Koi fish gaining popularity around world". Asian News International (sa wikang Ingles). Mayo 25, 2020.