Pumunta sa nilalaman

Kobe

Mga koordinado: 34°41′24″N 135°11′44″E / 34.69000°N 135.19556°E / 34.69000; 135.19556
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kobe

神戸市
Lungsod ng Kobe
Port of Kobe
Old Kobe Residency 15th Hall (The Former American Consulate in Kobe)
Hyogo Prefectural Museum of Art
Nankin-machi
Ikuta Shrine
The Former Thomas House
Mula kaliwang-itaas: Tore ng Pantalan ng Kobe at Maritimong Museo ng Kobe sa Liwasang Meriken, Ika-15 Bulwagan ng Lumang Tahanan ng Kobe (dating konsulado ng Estados Unidos sa Kobe) ng pambanyagang pamayanan ng Kobe, Pamprepekturang Museo ng Sining ng Hyōgo, Baryo Tsino ng lungsod sa purok ng Nankin-machi, Dambana ng Ikuta, at isang tanawin ng Bahay Banoglawin ng Kobe (dating Bahay Thomas) ng makasaysayang distrito ng Kitano-chō
Watawat ng Kobe
Watawat
Opisyal na sagisag ng Kobe
Sagisag
Map
Interactive map outlining Kobe
     Kinaroroonan ng Kobe sa Prepektura ng Hyōgo
     Kinaroroonan ng Kobe sa Prepektura ng Hyōgo
Kobe is located in Japan
Kobe
Kobe
Interactive map outlining Kobe
Mga koordinado: 34°41′24″N 135°11′44″E / 34.69000°N 135.19556°E / 34.69000; 135.19556
BansaHapon
RehiyonKansai
PrepekturaPrepektura ng Hyōgo
Unang kinikilalang tala201 AD
Katayuang panlungsodAbril 1, 1889
Pamahalaan
 • AlkaldeKizō Hisamoto
Lawak
 • Itinalagang lungsod557.02 km2 (215.07 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Hunyo 1, 2021)
 • Itinalagang lungsod1,522,188 (Pampito)
 • Metro
[1] (2015)
2,419,973 (Pang-anim)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
Numero ng telepono078-331-8181
Kinaroroonan ng munisipyo6-5-1 Kano-chō, Chūō-ku, Kōbe-shi, Hyōgo-ken
650-8570
KlimaCfa
WebsaytLungsod ng Kobe
Kobe
Kamalian ng Lua na sa Module:Infobox_multi-lingual_name na nasa linyang 127: attempt to call field '_transl' (a nil value).

Ang Kobe ( /ˈkb/ KOH-bay; Hapon: 神戸, romanisado: Kōbe, ja), kinikilala bilang Lungsod ng Kobe (神戸市, Kōbe-shi, ja), ay ang kabiserang lungsod ng Prepektura ng Hyōgo sa Hapon. Pampito ito sa pinakamalaking mga lungsod sa bansa, na may populasyon ng humigit-kumulang 1.5 milyon. Pumapangatlo naman ito sa pinakamalaking mga pantalang lungsod sa bansa, kasunod ng Tokyo at Yokohama. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Kansai sa katimugang baybayin ng pulo ng Honshū, sa hilagang pampang ng Look ng Osaka.

Nagmumula sa Nihon Shoki ang kauna-unahang mga nakasulat na tala patungkol sa rehiyon; inilalarawan nito ang pagkakatatag ni Emperatris Jingū ng Dambana ng Ikuta noong AD 201.[2][3] Hindi kailanman naging isang solong pampolitika na entidad sa loob ng malaking bahagi ng kasaysayan nito, kahit noong panahon ng Tokugawa. Tuwirang hinawak ng shogunatong Tokugawa ang pantalan nito. Hindi umiral ang Kobe sa kasalukuyang anyo nito hanggang sa pagkakatatag nito noong 1889. Hango ang pangalan nito sa Kanbe (神戸, isang sinaunang titulo ng mga nagtataguyod sa Dambana ng Ikuta).[4][5] Naging isa sa itinalagang mga lungsod ang Kobe noong 1956.

Isa ang Kobe sa mga lungsod na binuksan para sa kalakan sa Kanluranin kasunod ng pagwawakas ng patakaran ng pagbubukod noong 1853 at napanatili nito ang makasaysayang katangian kalakip ng mayamang pamanang pang-arkitektura na buhat pa noong panahong Meiji. Bagamat nabawasan ang katanyagan ng pagiging pantalang lungsod bunsod ng dakilang lindol ng Hanshin noong 1995, nanatili ang Kobe bilang pang-apat na pinaka-abalang daungang pang-container.[6] Kabilang sa mga kompanyang nakahimpil sa Kobe ang ASICS, Kawasaki Heavy Industries, at Kobe Steel, habang may mga himpilang Asyano o Hapones sa lungsod higit sa 100 pandaigdigang mga kompanya, kabilang ang Eli Lilly and Company, Procter & Gamble, Boehringer Ingelheim, at Nestlé.[7][8] Nagmumula ang baka ng Kobe sa lungsod, na katukayo nito. Tahanan din ang Kobe ng Unibersidad ng Kobe, at kinaroroonan ito ng Arima Onsen na isa sa pinakatanyag na mga resort ng mainit na bukal sa Hapon.

Kobe na tanaw mula sa eroplano

Mahaba at makitid ang lungsod, na matatagpuan sa pagitan ng baybayin at ng mga bundok. Nasa silangan nito ang lungsod ng Ashiya, habang nasa kanluran naman ang lungsod ng Akashi. Kabilang sa iba pang mga karatig-lungsod ang Takarazuka at Nishinomiya sa silangan at Sanda at Miki sa hilaga.

Isang palatandaang-pook sa lugar ng pantalan ng lungsod ang kulay pula na Tore ng Pantalan. Di-kalayuan ang Kobe Harborland, isang kilalang pasyalan sa mga turista na may isang ruweda.[kailangan ng sanggunian] Itinayo ang Pulo ng Puwerto at Pulo ng Rokkō, dalawang artipisyal na mga pulo, upang magkaroon ng puwang para sa pagpapalawak ng lungsod.

Matatagpuan naman sa gitna ng Kobe, malayo-layo sa baybayin, ang mga distrito ng Motomachi at Sannomiya, gayon din ang Baryo Tsino ng Kobe sa purok ng Nankin-machi; lahat ay pawang mga kilalang lugar ng tingian. Dumaraan sa lungsod ang maraming mga linya ng tren mula silangan pakanluran. Pangunahing pusod ng transportasyon ang Estasyon ng Sannomiya, habang nasa kanluran naman ang katukayong Estasyon ng Kobe at nasa silangan naman ang Estasyon ng Shin-Kobe ng Shinkansen.

Nakatanaw sa lungsod ang Bundok Rokkō na may taas na 931 m (3,054 tal). Kilala ito sa mayamang pagbabago ng kulay ng kagubatan nito sa panahon ng taglagas.

Isang panorama ng Kobe, daungan nito, at Pulo ng Puwerto mula sa Tore ng Pantalan ng Kobe
Isang panorama ng Kobe, daungan nito, at Pulo ng Puwerto mula sa Tore ng Pantalan ng Kobe

May siyam na mga ward (ku) ang Kobe:

  1. Nishi-ku: Nasa pinakakanlurang bahagi ng Kobe at nakatanaw sa lungsod ng Akashi. Matatagpuan dito ang Unibersidad ng Kobe Gakuin. May pinakamalaking populasyon ang ward na ito, na may 247,000 katao.[9]
  2. Kita-ku: Ang Kita-ku ay ang pinakamalaking ward batay sa lawak at dito matatagpuan ang Bulubundukin ng Rokkō, kasama ang Bundok Rokkō at Bundok Maya. Kilala ang lugar sa bako-bakong lupa at mga daanan para sa paglalakad (hiking trails). Nasa ward na ito ang liwaliwang bakasyunan ng onsen na Arima.
  3. Tarumi-ku: Pangunahing isang pantirahan na lugar ang Tarumi-ku. Nag-uugnay ang Tulay ng Akashi Kaikyō mula Maiko sa Tarumi-ku papuntang Pulo ng Awaji sa timog. Bagong teritoryo ng Kobe ang Tarumi-ku, na naging bahagi ng lungsod noong 1946.
  4. Suma-ku: Ang Suma-ku ay kinaroroonan ng dalampasigan ng Suma na dinarayo ng mga turista tuwing mga buwan ng tag-init.
  5. Nagata-ku: Kinaroroonan ng Dambana ng Nagata, isa sa tatlong "Dakilang mga Dambana" ng Kobe, ang Nagata-ku.
  6. Hyōgo-ku: Minsang tinawag noong Daungan ng Ōwada o Pantalan ng Hyōgo, ang ward na ito ay ang makasaysayang sentro ng lungsod. Nasa Hyogo-ku ang distrito ng Shinkaichi, dating sentrong pangkalakalan ng Kobe ngunit napinsala noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya nawala ang dating katanyagan ng ward.
  7. Chūō-ku: Ang Chūō (中央) ay literal na nangngangahulugang "gitna", kaya ang Chūō-ku ay ang sentrong pangkalakalan at libangan ng Kobe. Mga pangunahing pook libangan ang mga distrito ng Sannomiya, Motomachi, at Kobe Harborland. Nasa Chūō-ku ang gusaling panlungsod at ang mga tanggapan ng pamahalaan ng Prepektura ng Hyōgo. Nasa katimugang bahagi ng ward ang Pulo ng Puwerto at ang Paliparan ng Kobe.
  8. Nada-ku: Kinaroroonan ito ng Oji Zoo at Unibersidad ng Kobe. Kilala ang Nada-ku sa kanilang sake. Bumubuo ito ng 45% ng paggawa ng sake sa Hapon, katuwang ang Fushimi-ku sa Kyoto.[10]
  9. Higashinada-ku: Nasa pinakasilangang bahagi ng Kobe at hinahangganan nito ang lungsod ng Ashiya. Nasa katimugang bahagi ng ward na ito ang artipisyal na pulo ng Rokkō.
Mga ward ng Kobe
Pangalan Mapa ng Kobe
Rōmaji Kanji Populasyon Lawak ayon sa kilometro kuwadrado Kapal ng pop. sa bawat km. kuw.
1 Nishi-ku 西区 240,386 138.01 1,742
Mapa ng mga ward ng Kobe
2 Kita-ku 北区 212,211 240.29 883
3 Tarumi-ku 垂水区 216,337 28.11 7,696
4 Suma-ku 須磨区 158,196 28.93 5,468
5 Nagata-ku 長田区 95,155 11.36 8,376
6 Hyōgo-ku 兵庫区 107,307 14.68 7,310
7 Chūō-ku 中央区 142,232 28.97 4,910
8 Nada-ku 灘区 136,865 32.66 4,191
9 Higashinada-ku 東灘区 214,255 34.02 6,298
Datos ng klima para sa Kobe (1991−2020 karaniwan, mga sukdulan 1896−kasalukuyan)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 19.2
(66.6)
20.8
(69.4)
23.7
(74.7)
28.5
(83.3)
31.9
(89.4)
36.3
(97.3)
37.7
(99.9)
38.8
(101.8)
35.9
(96.6)
31.9
(89.4)
26.3
(79.3)
23.7
(74.7)
38.8
(101.8)
Katamtamang taas °S (°P) 9.4
(48.9)
10.1
(50.2)
13.5
(56.3)
18.9
(66)
23.6
(74.5)
26.7
(80.1)
30.4
(86.7)
32.2
(90)
28.8
(83.8)
23.2
(73.8)
17.5
(63.5)
12.0
(53.6)
20.5
(68.9)
Arawang tamtaman °S (°P) 6.2
(43.2)
6.5
(43.7)
9.8
(49.6)
15.0
(59)
19.8
(67.6)
23.4
(74.1)
27.1
(80.8)
28.6
(83.5)
25.4
(77.7)
19.8
(67.6)
14.2
(57.6)
8.8
(47.8)
17.0
(62.6)
Katamtamang baba °S (°P) 3.1
(37.6)
3.4
(38.1)
6.3
(43.3)
11.4
(52.5)
16.5
(61.7)
20.6
(69.1)
24.7
(76.5)
26.1
(79)
22.6
(72.7)
16.7
(62.1)
10.9
(51.6)
5.7
(42.3)
14.0
(57.2)
Sukdulang baba °S (°P) −6.4
(20.5)
−7.2
(19)
−5.0
(23)
−0.6
(30.9)
3.9
(39)
10.0
(50)
14.5
(58.1)
16.1
(61)
10.5
(50.9)
5.3
(41.5)
−0.2
(31.6)
−4.3
(24.3)
−7.2
(19)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 38.4
(1.512)
55.6
(2.189)
94.2
(3.709)
100.6
(3.961)
134.7
(5.303)
176.7
(6.957)
187.9
(7.398)
103.4
(4.071)
157.2
(6.189)
118.0
(4.646)
62.4
(2.457)
48.7
(1.917)
1,277.8
(50.307)
Balasaking pag-niyebe cm (pulgada) 0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
0
(0)
1
(0.4)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.5 mm) 6.0 7.1 10.0 10.1 10.4 12.1 10.9 7.4 10.3 8.8 6.4 6.8 106.2
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 62 61 61 61 64 72 74 71 67 64 63 62 65
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 145.8 142.4 175.8 194.8 202.6 164.0 189.4 229.6 163.9 169.8 152.2 153.2 2,083.7
Sanggunian: Japan Meteorological Agency[11]
Datos ng klima para sa Paliparan ng Kobe (2006−2020 karaniwan, mga sukdulan 2006−kasalukuyan)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 17.2
(63)
19.5
(67.1)
22.9
(73.2)
24.9
(76.8)
30.2
(86.4)
34.5
(94.1)
36.2
(97.2)
37.0
(98.6)
36.2
(97.2)
31.5
(88.7)
25.6
(78.1)
21.9
(71.4)
37
(98.6)
Katamtamang taas °S (°P) 9.3
(48.7)
9.7
(49.5)
12.8
(55)
17.3
(63.1)
22.2
(72)
25.2
(77.4)
28.6
(83.5)
31.1
(88)
28.1
(82.6)
23.0
(73.4)
17.3
(63.1)
11.9
(53.4)
19.7
(67.5)
Arawang tamtaman °S (°P) 5.9
(42.6)
6.3
(43.3)
9.2
(48.6)
13.7
(56.7)
18.5
(65.3)
22.2
(72)
25.9
(78.6)
27.9
(82.2)
24.9
(76.8)
19.7
(67.5)
14.0
(57.2)
8.5
(47.3)
16.4
(61.5)
Katamtamang baba °S (°P) 2.4
(36.3)
2.6
(36.7)
5.3
(41.5)
9.9
(49.8)
15.1
(59.2)
19.8
(67.6)
23.9
(75)
25.6
(78.1)
22.1
(71.8)
16.7
(62.1)
10.7
(51.3)
5.1
(41.2)
13.2
(55.8)
Sukdulang baba °S (°P) −3.6
(25.5)
−3.4
(25.9)
−1.5
(29.3)
1.9
(35.4)
7.0
(44.6)
14.2
(57.6)
19.4
(66.9)
20.5
(68.9)
14.7
(58.5)
8.5
(47.3)
2.7
(36.9)
−1.4
(29.5)
−3.6
(25.5)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 33.3
(1.311)
54.3
(2.138)
83.2
(3.276)
83.7
(3.295)
117.6
(4.63)
164.5
(6.476)
186.9
(7.358)
84.7
(3.335)
135.1
(5.319)
106.1
(4.177)
52.8
(2.079)
49.3
(1.941)
1,148.4
(45.213)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) 4.6 6.6 8.3 8.8 8.6 9.8 10.2 6.0 8.8 7.9 5.7 5.8 91.1
Sanggunian: Japan Meteorological Agency[12][13]
Mga banyaga sa Kobe[14]
Kabansaan Populasyon (2018)
 Timog Korea 17,175
 Tsina 13,205
 Vietnam 5,955
 Taiwan 1,309
Iba pang kabansaan 8,974
Historical population
TaonPop.±%
187018,650—    
188048,786+161.6%
1890142,965+193.0%
1900283,839+98.5%
1910398,905+40.5%
1920746,500+87.1%
1925818,619+9.7%
1930915,234+11.8%
19351,058,053+15.6%
19401,134,458+7.2%
1945694,000−38.8%
1950821,062+18.3%
1955986,344+20.1%
19601,113,977+12.9%
19651,216,682+9.2%
19701,288,930+5.9%
19751,360,605+5.6%
19801,367,390+0.5%
19851,410,734+3.2%
19901,477,410+4.7%
19951,423,792−3.6%
20001,493,398+4.9%
20051,525,393+2.1%
20101,544,873+1.3%
20151,537,272−0.5%
20201,521,241−1.0%

Magmula noong Setyembre 2007, may tinatayang populasyon na 1,530,295 katao ang Kobe sa 658,876 mga kabahayan. Pagtaas ito ng 1,347 katao o humigit-kumulang 0.1% mula sa nakaraang taon. Ang kapal ng populasyon ay humigit-kumulang 2,768 katao sa bawat kilometro kuwadrado, habang may humigit-kumulang 90.2 kalalakihan sa bawat 100 kababaihan.[15] Humigit-kumulang labintatlong bahagdan ng populasyon ay nasa pagitan ng 0 at 14 na taong gulang, animnapu't pitong bahagdan ay sa pagitan ng 15 at 64 na taong gulang, at dalawampung bahagdan ay higit sa 65 taong gulang.[16]

Humigit-kumulang 44,000 mga banyagang nakatala ay naninirahan sa Kobe. Ang apat na pinakakaraniwang mga kabansaan ay mga Koreano (22,237), Tsino (12,516), Vietnamese (1,301), at Amerikano (1,280).[16]

Mga ugnayang pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kinakapatid na mga lungsod

Narito ang kinakapatid na mga lungsod ng Kobe:[17]

Kinakaibigan at nagtutulungang mga lungsod

Nakikipagtulungan din ang Kobe sa:[17]

Tinapos noong 2019 ang memorandum ng pag-unawa sa maaaring pagtatatag ng kinakapatid na ugnayan ng Kobe sa lungsod ng Ahmedabad, Gujarat, India.[19]

Kinakapatid na mga pantalan

Narito ang kinakapatid na mga pantalan ng Pantalan ng Kobe:[17]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "UEA Code Tables". Center for Spatial Information Science, University of Tokyo. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 9, 2019. Nakuha noong Enero 26, 2019.
  2. Ikuta Shrine official website; Naka-arkibo April 4, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "History of Ikuta Shrine" (Japanese)
  3. Kobe City Info; Naka-arkibo June 16, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "History". Nakuha noong Pebrero 2, 2007.
  4. Nagasaki University; Naka-arkibo May 16, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "Ikuta Shrine". Nakuha noong Pebrero 3, 2007.
  5. Entry for 「神戸(かんべ)」. Kōjien, ikalimang edisyon, 1998, ISBN 4-00-080111-2
  6. American Association of Port Authorities; Naka-arkibo December 21, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "World Port Rankings 2006". Nakuha noong Abril 15, 2008.
  7. "Number of foreign corporations with headquarters in Kobe passes 100." (Hapones) sa Nikkei Net, nakuha sa NIKKEI.net Naka-arkibo July 6, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine. noong Hulyo 3, 2007.
  8. Hyogo-Kobe Investment Guide Naka-arkibo December 8, 2006[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "List of Foreign Enterprises and Examples". Nakuha noong Pebrero 8, 2007.
  9. City of Kobe Naka-arkibo October 14, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine., "Population by Ward" (Hapones). Nakuha noong Hulyo 25, 2007.
  10. Kansai Window Naka-arkibo June 19, 2006[Date mismatch], sa Wayback Machine., "Japan's number one sake production". Nakuha noong Pebrero 6, 2007.
  11. 気象庁 / 平年値(年・月ごとの値). Japan Meteorological Agency. Nakuha noong Mayo 19, 2021.
  12. 観測史上1~10位の値(年間を通じての値). JMA. Nakuha noong Pebrero 26, 2022.
  13. 気象庁 / 平年値(年・月ごとの値). JMA. Nakuha noong Pebrero 26, 2022.
  14. 神戸市統計資料 (PDF) (sa wikang Hapones). Pamahalaan ng Kobe. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 14, 2018. Nakuha noong Enero 9, 2020. 6. 外国人数
  15. Lungsod ng Kobe Naka-arkibo December 25, 2008[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "Estimated Population of Kobe". Nakuha noong Oktubre 2, 2007.
  16. 16.0 16.1 Lungsod ng Kobe Naka-arkibo August 8, 2007[Date mismatch], sa Wayback Machine. – "Statistical Summary of Kobe". Nakuha noong Hulyo 25, 2007.
  17. 17.0 17.1 17.2 "About Kobe". Global Kobe Investment. Nakuha noong Marso 10, 2022.
  18. "Hydrogen Twin Cities Award for Aberdeen and Kobe, Japan | Aberdeen City Council". Nobyembre 16, 2022.
  19. "Kobe, Ahmedabad to be sister cities". Times of India. Hunyo 27, 2019. Nakuha noong Marso 10, 2022.
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Kobe mula sa Wikivoyage

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Kōbe sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.