Type Dangerous
"Type Dangerous" | ||||
---|---|---|---|---|
Single ni/ng Mariah Carey | ||||
Nilabas | 6 Hunyo 2025 | |||
Tipo |
| |||
Haba | 2:55 | |||
Tatak | Gamma | |||
Manunulat ng awit |
| |||
Prodyuser |
| |||
Kronolohiya ng mga single ni/ng Mariah Carey | ||||
| ||||
Bidyong pangmusika | ||||
"Type Dangerous" sa YouTube | ||||
Bidyo ng liriko | ||||
"Type Dangerous" sa YouTube |
Ang "Type Dangerous" (lit. na 'Tipong Mapanganib') ay isang kanta ng Amerikanang mang-aawit at manunulat ng kanta na si Mariah Carey. Inilabas ito noong Hunyo 6, 2025, bilang pangunahing single mula sa kanyang paparating na ikalabing-anim na album sa estudyo, sa pamamagitan ng Gamma. Isinulat at ipinrodyus ni Carey ang single kasama sina Anderson .Paak, NWi, at Daniel Moore. Gumamit ang kanta ng sampol mula sa kantang 'Eric B. Is President' nina Eric B. & Rakim noong 1987.
Ang "Type Dangerous" ay isang kantang hip hop soul at R&B na may mga elementong soul at pop, na may pundasyong new jack swing at produksiyong patambulin. Ineeksplor ng mga liriko nito ang pang-akit sa isang taong maaaring mapanganib, at inilarawan ni Carey ang kanta bilang simula ng isang bagong malikhaing kabanata.
Sanligan at paglabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hunyo 3, 2025, unang ipinahiwatig ang "Type Dangerous" sa isang maikling bidyo sa hatirang pangmadla ni Carey, kung saan pinakinggan niya ang isang kantang may label na "T:D_MC16.mp3" habang nakaupo sa isang kotse na may plakang may nakasulat na "MC16", na nag-udyok ng espekulasyon tungkol sa kanyang ika-labing-anim na album sa estudyo.[1][2] Inanunsiyo ang single na pinamagatang "Type Dangerous" at nakatakdang ipalabas tatlong araw pagkatapos noong Hunyo 6.[3]
Sa isang pahayag sa midya, nagpahayag si Carey ng pananabik para sa pagpapalabas, tinawag itong simula ng isang bagong kabanata, at binanggit na gumugol siya ng makabuluhang oras sa studio sa paglikha ng bagong materyal.[4] Minarkahan ng single ang unang pangunahing solong paglabas ni Carey mula sa "In the Mix" noong 2019,[5] kasunod ng kanyang album noong 2018 na Caution,[6][7] at ng isang panahong nakatuon sa mga pana-panahong promosyon at mga edisyong pang-anibersaryo ng kanyang naunang likha, kabilang na ang isang kamakailang pinalawig na muling paglalathala ng The Emancipation of Mimi, na inilabas ilang linggo bago, noong Mayo 2025, upang ipagdiwang ang ika-20 anibersaryo ng album.[8][9][10]
Komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang "Type Dangerous" ay isang awiting R&B na nagsasampol ng klasiko ng hip hop noong 1987 na "Eric B. Is President" nina Eric B. & Rakim, na pinaparesan ng ikonikong grubo sa patambuling produksiyon na pinaghalo ang mga elemento ng new jack swing, soul at pop.[11] Kumpiyansang umaandap ang hip hop soul na awitin habang ipinahahayag ni Carey ang kanyang pagkahumaling sa isang taong maaaring magdulot ng problema — ngunit siya ang uri ng problema na handa niyang yakapin.[12]
Bidyong pangmusika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Idinirek ang bidyong pangmusika ng kanta ni Joseph Kahn at nakatakdang ipalabas noong Hunyo 13.[13][14] Bago ang paglalabas, inihayag ni Kahn ang isang "sorpresang makabagbag-lupa" sa bidyo.[15] Kalaunan, naantala ito ng isang araw para sa layuning pang-edit at inilabas noong Hunyo 14.[16]
Itinatampok sa bidyo si Carey na “dumaraan sa sunod-sunod na mga batselor at tinatanggihan sila isa-isa” sa pitong magkakaibang eksena, at may tampok na paglabas ang Amerikanong YouTuber na si MrBeast.[16] Tinatanggihan ni Carey ang mga iba't ibang "tipo" ng lalaki kabilang sina G. Manlalaro (Mr. Player), G. Delikado (Mr. Danger), G. Taksil (Mr. Traitor), G. Karerista (Mr. Racer), G. Tagatulak (Mr. Dealer), at Mr. Beast, at pinapawala niya silang lahat.[17]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wang, Steffanee (Hunyo 2, 2025). "What's Mariah Carey teasing?" [Ano'ng ipinapahiwatig ni Mariah Carey?]. The Fader (sa wikang Ingles). New York. ISSN 1533-5194. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Zemler, Emily (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Returns with Fiery Single 'Type Dangerous'" [Nagbabalik si Mariah Carey na may Napakainit na Single na 'Type Dangerous']. Rolling Stone (sa wikang Ingles). Penske Media Corporation. ISSN 0035-791X. OCLC 969027590. Inarkibo mula sa orihinal noong June 6, 2025. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Dailey, Hannah (Hunyo 3, 2025). "Mariah Carey Seemingly Teases New Album, With Single Possibly Coming Really Soon" [Mukhang Nagpapahiwatig si Mariah Carey ng Bagong Album, Na May Single na Posibleng Paparating Na]. Billboard (sa wikang Ingles). United States: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Dresdale, Andrea (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey releases new single 'Type Dangerous,' confirms 16th album is coming" [Mariah Carey, nagpalabas ng bagong single na 'Type Dangerous,' nagkumpirmang may darating na ika-16 na album] (sa wikang Ingles). ABC News. Nakuha noong Hunyo 7, 2025.
- ↑ Strauss, Matthew (Hunyo 6, 2025). "Carey's first original solo track since 2019 samples Eric B. & Rakim's "Eric B. Is President"" [Ang unang solong kanta ni Carey mula noong 2019, sinasampol ang "Eric B. Is President ni Eric B. & Rakim]. Pitchfork (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Dailey, Hannah (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Makes a 'Dangerous' Comeback With First New Song in Years: Stream It Now" [Mapanganib’ na Pagbabalik ni Mariah Carey sa Unang Bagong Kanta sa Loob ng Ilang Taon: I-stream Ito Ngayon]. Billboard (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Renshaw, David (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey samples Erik B. and Rakim on "Type Dangerous"" [Erik B. at Rakim, sinampol ni Mariah Carey sa "Type Dangerous"]. The Fader (sa wikang Ingles). New York. ISSN 1533-5194. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Rowley, Glenn (Mayo 30, 2025). "Mariah Carey's 'The Emancipation of Mimi': All 18 Original Tracks Ranked for Its 20th Anniversary (Staff Picks)" ['The Emancipation of Mimi' ni Mariah Carey: Lahat ng 18 Orihinal na Track, Niranggo para sa Ika-20 Anibersaryo Nito (Mga Pinili ng Staff)]. Billboard (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Dailey, Hannah (Hunyo 4, 2025). "Mariah Carey Is 'Looking for the Dangerous Type' on First New Single in Years: Here's When It Arrives" [Mariah Carey, ‘Naghahanap ng Mapanganib na Tipo’ sa Unang Bagong Single sa Ilang Taon: Heto Kung Kailan Ito Ilalabas]. Billboard (sa wikang Ingles). Estados Unidos: Penske Media Corporation. ISSN 0006-2510. OCLC 732913734. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Chelosky, Danielle (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey – "Type Dangerous"". Stereogum (sa wikang Ingles). OCLC 1142733705. Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Stickler, Jon (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Returns With New Single Type Dangerous" [Bumabalik si Mariah Carey na May Bagong Single Type Dangerous]. Stereoboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Samuels, Keithan (Hunyo 6, 2025). "Mariah Carey Returns With New Single 'Type Dangerous'" [Nagbabalik si Mariah Carey na May Bagong Single na 'Type Dangerous']. Rated R&B (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 6, 2025.
- ↑ Dresdale, Andrea (2025-06-10). "Mariah Carey releases new single 'Type Dangerous,' confirms 16th album is coming" [Mariah Carey, naglabas ng bagong single na 'Type Dangerous', nagkumpirma na na darating ang ika-16 na album]. ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ Saulog, Gabriel (2025-06-10). "Mariah Carey Drops New Single "Type Dangerous" – Listen" [Mariah Carey, Nag-drop ng Bagong Single na "Type Dangerous" – Pakinggan]. Billboard Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ BANG Showbiz (2025-06-12). "'Brace yourselves': Mariah Carey's Type Dangerous video includes 'earth shattering surprise'" ['Humanda kayo': Bidyo ng Type Dangerous ni Mariah Carey, may 'sorpresang makabagbag-lupa']. Yahoo! News UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-06-13.
- ↑ 16.0 16.1 Camp, Alexa (Hunyo 14, 2025). "Mariah Carey Can Make Men Disappear in Music Video for "Type Dangerous"" [Pinapawala ni Mariah Carey ang mga Lalaki sa Bidyo ng "Type Dangerous'"]. Slant (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 15, 2025.
- ↑ "Mariah Carey makes MrBeast disappear in surprise 'Type Dangerous' video cameo" [Pinawala ni Mariah Carey si MrBeast sa sorpresang kameo sa bidyo ng 'Type Dangerous']. The Express Tribune (sa wikang Ingles). Hunyo 15, 2025. Nakuha noong Hunyo 15, 2025.