DXAC
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Davao |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Dabaw at mga karatig na lugar |
Frequency | 93.1 MHz |
Tatak | 93.1 Brigada News FM |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, News, Talk |
Network | Brigada News FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Mareco Broadcasting Network |
Operator | Brigada Mass Media Corporation |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1997 |
Dating call sign | DXVR (1997–2003) Brigada News FM: DXKX (2015–2024) |
Dating pangalan |
|
Dating frequency | Brigada News FM: 91.5 MHz (2015–2024) |
Kahulagan ng call sign | Adult Contemporary (former radio format) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 30,000 watts |
Repeater |
|
Link | |
Webcast | Live Stream |
Website | brigadanews.ph 93.1 Brigada News FM - Davao FB Page |
Ang DXAC (93.1 FM), sumasahimpapawid bilang 93.1 Brigada News FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Mareco Broadcasting Network at pinamamahalaan ng Brigada Mass Media Corporation. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 3rd Floor, ECI Bldg., McArthur Highway, Ulas, Brgy. Talomo, Lungsod ng Davao, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa kahabaan ng Broadcast Ave., Shrine Hills, Matina, Lungsod ng Davao.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]1997-2020: Crossover
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Itinatag ang himpilang ito noong 1997 bilang 93.1 Crossover sa ilalim ng call letters na DXVR. Umere ito ng Smooth AC na format. Noong panahong iyon, dati ito pagmamay-ari ng Golden Broadcast Professionals, at ang Mareco Broadcasting Network ang namamahala nito. Noong 2003, nagpalit ang mga call letters nito sa DXAC. Sa huling bahagi ng 2000s, binili ng MBNI ang himpilang ito. Noong 2016, lumipat ito mula sa F. Valrose Bldg. sa kahabaan ng CM Recto St. hanggang sa kasalukuyang tahanan nito sa Shrine Hills.
2020-2023: Q Radio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Disyembre 31, 2019, kinuha ng Horizon of the Sun Communications (produser ng Chinatown TV at Chinese News TV sa IBC 13) ang operasyon ng mga himpilan ng MBNI. Noong Nobyembre 16, 2020, opisyal na inilunsad ang mga himpilang panrehiyon ng MBNI bilang Q Radio at meron itong Top 40 na format. Bukod sa pagkakaroon ng sariling local programming, nag-simulcast din ito ng ilang programa mula sa punong himpilan nito sa Maynila.
Noong Hunyo 19, 2023, naganunsyo ang Q Radio na mamamaalam ito sa ere sa katapusan ng buwan na yan dahil sa mga problemang pinansyal at kakulangan ng suporta mula sa mga advertisers nito.[3][4]
2023-kasalukuyan: Brigada News FM
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hulyo 1, naging riley ito ng 105.1 Brigada News FM na nakabase sa Maynila. Makalipas ang ilang araw, umere lamang ito musika sa ilalim ng pansamantalang pangalang News FM.
Noong Enero 2024, naging riley ito ng 91.5 FM bilang bahagi ng transition na binansagang "93.1 Inyong Istasyon, Among Inspirasyon".[5]
Noong Marso 17, 2024, sa pagdiriwang ng ika-87 Araw ng Dabaw, nagsimulang sumahimpapawid ang Brigada News FM Davao sa talapihitang ito, habang ginawang riley ang dati nitong talapihitan na tumagal hanggang Abril 15, 2024.
Opisyal ito inilunsad noong Abril 15 na may kasamang motorcade sa mga piling kalye sa Davao at isang concert sa NCCC Mall VP.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Duterte approves renewal of franchise to three broadcasting companies
- ↑ Martin off again for Crossover Live Tour 2001
- ↑ "Louella Hazeline Chan in Q Radio Qlassmates". Telegram. June 1, 2023. Nakuha noong June 21, 2023.
- ↑ Q Radio 105.1 (June 19, 2023). "To all of our amazing Qties, After a fulfilling 3-year run, filled with several viral online campaigns and exciting on-air gimmicks, it is with a heavy heart that we announce that Q Radio will be permanently signing off nationwide effective July 1, 2023". Facebook. Nakuha noong June 21, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑ Inyong Station Among Inspirasyon! - 93.1 Brigada News FM Davao
- ↑ BRIGADA NEWS FM DAVAO IS NOW ON 93.1 FM STARTING APR 15, 2024!