DXUR
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Davao |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Dabaw at mga karatig na lugar |
Frequency | 97.1 MHz |
Tatak | Halo Halo 97.1 |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | OPM |
Network | Halo Halo Radio |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Viva South, Inc. (Ultimate Entertainment Inc.) |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1996 |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | Ultimate Radio (dating pangalan) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 50,000 watts |
Link | |
Webcast | Listen Live (via Shoutcast) |
Ang DXUR (97.1 FM), sumasahimpapawid bilang Halo Halo 97.1, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Viva South, Inc. ng Viva Entertainment . Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Unit 49, 4th Floor, Landco Corporate Center Bldg., JP Laurel Ave., Bajada, Lungsod ng Davao.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1996 bilang UR97 Ultimate Radio na may Top 40 na format. Noong 2010, kasunod ng tagumpay ng isang programang Kristiyano na inilunsad nung isang taon, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Mango Radio na may christian radio na format.

Noong 2013, binili ng Viva South ang prangkisa ng Ultimate Entertainment mula sa pamilya Manalang. Dahil dito, lumipat ang pagsasahimapapwid ng Mango Radio sa online. Noong Enero 2015, inilunsad ang himpilang ito bilang Oomph Radio na may Top 40 na format. Karamihan sa mga personalidad nito ay galing sa Mix FM. Noong Pebrero 2017, binitiw ng himpilang ito ang Oomph Radio dahil sa desisyon ng pamamahala.[2][3]
Noong Mayo 1, 2017, muling inilunsad ang himpilang ito bilang Halo Halo, ang kauna-unahang at tanging himpilan sa lungsod na tumugtog lamang ng Original Pilipino Music.[4][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ RadioOnlineNow (2017-05-02). "Listen to Halo Halo Radio 97.1 FM Davao Formerly Oomph Radio, Streaming Live". Radio Online Now (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-09-27.
- ↑ "Introducing Oomph Radio 97.1". SUNSTAR (sa wikang Ingles). 2015-01-20. Nakuha noong 2023-09-27.
- ↑ DavaoBase.com, Chito | (2016-04-20). "Joey Sy-Domingo: The Signature Voice of Modern Davao Media". DavaoBase (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-09-27.
- ↑ "VIVA launches launches all-OPM radio station". Nakuha noong 2023-09-27 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.
- ↑ Halo Halo Radio boosts Pinoy pop in the south