Pumunta sa nilalaman

DXUM

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
DXUM
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Davao
Lugar na
pinagsisilbihan
Rehiyon ng Davao at mga karatig na lugar
Frequency819 kHz
Tatak819 DXUM
Palatuntunan
WikaCebuano, Filipino
FormatNews, Public Affairs, Talk
NetworkUMBN News & Public Affairs
Pagmamay-ari
May-ariUM Broadcasting Network
(Mt. Apo Broadcasting System)
92.3 Wild FM, Retro 95.5
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1957
Dating frequency
810 kHz (1957–1978)
936 kHz (1978–1988)
Kahulagan ng call sign
University of Mindanao
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts

Ang DXUM (819 AM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng UM Broadcasting Network sa pamamagitan ng Mt. Apo Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng News & Public Affairs ng UMBN na dating kilala bilang Radyo Ukay. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa UMBN Media Center, C. Bangoy St. cor. Palma Gil St., Lungsod ng Davao, at ang transmiter nito ay matatagpuan malapit sa University of Mindanao Matina Campus, Lungsod ng Davao.[1][2][3]

Itinatag ang DXUM noong 1957 ni Atty. Guilermo Torres, 8 taon makalipas ng pagtatag ng DXMC.[4] Habang umere ng balita at talakayan ang DXMC, umere ng musika ang DXUM. Noong dekada 70 at 80, ito ay ang pinakapinakikinggang hinpilang pang-musika sa lungsod.

Noong Setyembre 21, 1972, nung naideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas militar, may naipasang batas kung saan hindi pinapayagang pagmamay-ari ang isang kumpanya ng higit isang himpilan sa isang lungsod, inilipat ang lisensya ng DXUM sa Mt. Apo Broadcasting System ng Mt. Apo Science Foundation (MASFI), isa pang institusyon na pagmamay-ari din ni Torres.

Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitang ito mula sa 810 kHz sa 936 kHz.

Logo of Radyo Ukay from 2000 to 2020.

Noong 1988, lumipat ang mga personalidad ng DXUM sa DXMC, na kalaunang lumipat sa FM sa pamamagitan ng 92.3 MHz at nakilala bilang Wild FM. Dahil dito, muling inilunsad ang DXUM sa 819 kHz na may balita at talakayan sa format nito. Samantala, lumipat sa dati nitong talapihitan ang DXDN na nakabase sa Tagum. Mula noon, kilala ito bilang Radyo Magasin, Radyo Peryodiko, at Radyo Balita.

Noong 2000, muli ito ninlunsad bilang Radyo Ukay. Ang kahulugan ng pangalan ito ay ang paghukay sa mga isyu at ulat at kilala ito ng marami bilang pagiimbestiga sa radio.

Noong Hunyo 15, 2020, itinigil nito, pati ang ibang mga himpilan ng UMBN sa AM, ang pangalan na Radyo Ukay at kilala ito bilang DXUM. Ang dilaw na naka-guhit sa "X" ng kanilang mga logo ay nangangahulugang sumulong.[5]

  1. "Freeze: Bend n' Peel Merry Mango". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-22. Nakuha noong 2025-03-31.
  2. FAST BACKWARD: Remembering A. J. Wills
  3. 10 Things Any 80s Kid Who Grew Up In Davao Would Know[patay na link]
  4. "House Bill No. 5632" (PDF). House of Representatives of the Philippines. Nakuha noong July 13, 2019.
  5. "Radyo Ukay rebranded". Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-23. Nakuha noong 2025-03-31.