DXLL-FM
Pamayanan ng lisensya | Lungsod ng Davao |
---|---|
Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Dabaw at mga karatig na lugar |
Frequency | 94.7 MHz |
Tatak | 94.7 Max FM |
Palatuntunan | |
Wika | Cebuano, Filipino |
Format | Contemporary MOR, News, Talk |
Network | Max FM |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Rizal Memorial Colleges Broadcasting Corporation |
Operator | Christian Media Management |
DXRA Radyo ni Juan | |
Kaysaysayn | |
Unang pag-ere | 1995 |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | Luis at Leonida Vera (mga dating may-ari) |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
Power | 10,000 watts |
ERP | 72,620 watts |
Ang DXLL (94.7 FM), sumasahimpapawid bilang 94.7 Max FM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Rizal Memorial Colleges Broadcasting Corporation at pinamamahalaan ng Christian Media Management, isang sangay ng Laforteza Group of Companies. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Max FM. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa ground floor, MKI Inn Building, Sampaguita St. cor. McArthur Highway, Matina, Lungsod ng Davao, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa kahabaan ng Broadcast Ave., Shrine Hills, Matina, Lungsod ng Davao.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang himpilang ito noong 1995 bilang Mellow Touch 94.7 sa ilalim ng pagmamay-ari ng FBS Radio Network. Nawala ito sa ere noong huling bahagi ng 2006 dahil sa pabayang pamamahala na humantong sa pagkabangkarote nito. Noong Hunyo 2007, bumalik ito sa ere sa ilalim ng bagong pamamahala ng J-TvR Tri-Media Services. Nagtagal lamang ito ng isang taon dahil sa salungat sa kontrata nito. Noong Hunyo 2008, nasa ilalim ito ng pamamahala ng JKZ Adz Services. Simula noon, may programa ang Ateneo de Davao University tuwing Lunes hanggang Biyernes na tinatawag na Blue Knights FM.[1]
Noong Enero 2010, kinuha ng FBS ang pamamahala nito dahil sa salungat sa kontrata nito. Lumipat ito sa Midland Village sa Ma-a. Nanatili ang easy listening format nitoo at nagdagdag ng ilang programang pangtalakayan para makakuha ng mas maraming tagapakinig.
Noong Mayo 2014, binili ng RMC Broadcasting ang himpilang ito na muling binansagan ito bilang 94.7 One Radio na may halong musika at balita sa format nito. Lumipat ito sa Door 1C, Anda Corporate Center sa kahabaan ng F. Inigo St.[2][3] Noong Disyembre 2, nawala sa ere ang mga himpilan ng Radyo ni Juan, dahil sa problema sa pananalapi.[4]
Sa pagtatapos ng Enero 2021, bumalik ito sa ere bilang 94.7 Power Radio sa ilalim ng pamamahala ng Christian Media Management. Lumipat ito sa pasiliadad ng transmiter nito sa Shrine Hills.[5]
Noong Marso 1, 2024, naging 94.7 Max FM ito. Lumipat ito sa bago nitong tahanan sa MKI Inn Building sa Matina.