Pumunta sa nilalaman

DXKX

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
DXKX
Pamayanan
ng lisensya
Lungsod ng Davao
Lugar na
pinagsisilbihan
Kalakhang Dabaw at mga karatig na lugar
Frequency91.5 MHz
Palatuntunan
FormatHindi Aktibo
Pagmamay-ari
May-ariPrimax Broadcasting Network
Kaysaysayn
Unang pag-ere
1995
Huling pag-ere
September 2024
Dating pangalan
  • K91 (1995–1998)
  • Citylite (1998–2000)
  • Smooth FM (2000–2013)
  • Brigada News FM (2015–2024)
Impormasyong teknikal
Awtoridad na naglisensiya
NTC
Power10,000 watts

Ang DXKX (91.5 FM) ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Primax Broadcasting Network.[1][2][3]

Itinatag ang himpilang ito noong 1995 bilang K91 na may Adult Top 40 na format. Noong 1998, naging kaanib ito ng Raven Broadcasting Corporation na nakabase sa Maynila at muli ito inilunsad bilang City Lite 91.5 na may smooth jazz na format. Noong unang bahagi ng 2000, pagkatapos nitong kumalas sa RBC, naging Smooth FM 91.5 ito. Nawala ito sa ere noong 2013.

Noong unang bahagi ng 2015, kinuha ng Brigada Mass Media Corporation ang mga operasyon ng himpilang ito. Noong Agosto 10, 2015, bumalik ito sa ere bilang Brigada News FM. Sa oras ng ika-30 Kadayawan Festival, noong Agosto 23, 2015, pormal itong inilunsad.

Noong Enero 2024, sinimulang iriley ng 93.1 FM na pagmamay-ari ng Mareco ang talapihitang ito bilang bahagi ng paglipat. Nakatakdang matapos ang kasunduan ng Brigada sa Primax ngayong taon. Noong Marso 17, 2024, matapos nung lumipat ang Brigada News FM sa 93.1 FM, ginawa itong riley hanggang Abril 14, nung namaalam ito sa ere.

Noong Hulyo hanggang Setyembre 2024, nagbalik ito sa ere, sa pagkakataong ito ay nagpapalabas ng automated na musika na may limitadong oras ng pag-broadcast (6:00 am hanggang 6:00 pm). Ngunit nag-off-air ito nang walang katiyakan noong huling bahagi ng Setyembre 2024.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 2 netizens charged for illegally using Davao radio station’s social media card
  2. Babae, binayaran ng kampo ni Sen. Trillanes para tumestigo sa ICC laban kay Pangulong Duterte?[patay na link]
  3. "NTC FM Stations (as of June 2022) via FOI website" (PDF). foi.gov.ph. February 14, 2023.